Chapter 9

29 0 0
                                    





CHAPTER 9

Sobrang saya ko na bago kami bumalik ni Mama dito sa UK, nagkaroon kami ni Matthew ng maayos na pag-uusap.

               Ganoon pala ang pakiramdam kapag mahal ka ng mahal mo 'no? Parang yung puso ko, tumatalbog! Lalo na noong naglapat yung mga labi namin, sobrang sarap sa feeling. Walang words na pwedeng mag-describe sa mga nararamdaman ko. It's really unexplainable.

              Sa totoo lang masaya naman ako, pero sa kabilang banda naisip ko, paano kung sa muling pagkikita namin ni Matthew, hindi na niya ako gusto. Baka makahanap na siya ng iba. Hindi ko maiwasang mag-isip, kase hindi naman kami. Hindi naman kami nagkaroon ng usapan na kami na, na boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Basta ang alam lang namin, mahal namin ang isa't-isa, at handa kaming mag-hintay sa muli naming pagkikita.

                     Ayoko na nga mag-isip ng mga negativities, panghahawakan ko nalang yung sinabe niya sa akin na mahal niya ako.

After three months, naka-graduate na ako. Nakuha ko na ang diploma ko, at hindi lang basta diploma, I graduated with honors. I graduated garnering the title of Magna Cum Laude. Sobrang proud ni Mama sa akin, at ganun din ako sa achievement ko. Alam kong proud na proud din sa akin si Momsy at Popsy from heaven. Para sa kanila kung ano mang naabot ko ngayon. Para sa aming lahat kung bakit ko pinasok 'to, para panagutin ang demonyong sumira ng buhay ko at naging dahilan ng pagkawala ni Momsy. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa impyernong kulungan kung saan siya nababagay. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti. Mananagot sila kay Atty. Katarina Beatrice Arevalo!

Pagkatapos ng graduation, hindi naman ako kaagad nakabalik ng Pilipinas. Madami pa kase akong inasikaso like my school documents, the bar exam which I passed, my international law practice requalification, tapos ang dami pang events gaya ng after graduation ball, and syempre nag-organize din ako ng party which serves as my blowout dahil nga sa success na nakuha ko.
                    
                    Sa totoo lang, ayaw na nga ako pauwiin ng Cambridge sa Pilipinas, sayang naman daw kase ang mga offers sa akin, kase alam niyo na, when someone graduated with honors, trabaho ang naghahabol sa kanila. Pero sabi ko hindi pwede, kase may importanteng bagay akong dapat asikasuhin sa Pilipinas, at may importanteng tao ding nag-aantay sa akin.

.........

                   Mami-miss ko ang UK, lalo na si Leila. Para ko na kase siyang ate. Sobrang dami kong natutunan sa kanya, about sa buhay, about sa love.

                   Sobrang hirap magpaalam, "Leila, mami-miss talaga kita, sobra!" umiiyak na sabi ko kay Leila habang magkayakap kami dito sa airport.

"Ikaw lang ba? Super mami-miss din kaya kita!"

"Hayaan mo, magkikita naman ulit tayo. Kapag natapos ko na lahat ng mga kailangan kong gawin sa Pilipinas, promise dadalawin namin kayo dito, o kaya naman kapag uuwi ka sa atin, balitaan mo ko ha!"

"Oo Rina! Waaah! Feeling ko mawawalan na naman ako ng mahal sa buhay! Ano ba yan?" hagulhol ni Leila.

"Ano ka ba naman Leila! Hindi naman ako mawawala! Magkakalayo lang tayo ng konti, pero hindi naman ako mawawala. May text pa naman, may tawag, tsaka may skype. Wag ka ngang ano diyan! Hahaha!"

"Oo na, lagi mo kong ite-text ha, o kaya tatawagan."

"Oo naman, sigurado yan. Walang mintis, walang sablay! Hahaha!"

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon