Chapter 14

32 0 0
                                        





CHAPTER 14

Sobrang saya ko talaga kagabi dahil sa ginawa ni Matthew para sa akin. Lalo ko tuloy naramdaman yung sincerity ng pagmamahal niya para sa akin. Lalo ko tuloy siyang minahal. Pakiramdam ko nga kagabi, aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang kilig.

Super thankful ako kay God, dahil si Matthew ang napili Niya for me. Dahil kay Matthew, sumaya ang buhay ko na dati ay balot na balot ng galit at poot. Tinuruan ako ni Matthew na magtiwala at magmahal, na akala ko dati ay hindi ko na magagawa.

           Matthew made up my whole world.

           Mamahalin ko siya, sa paraang alam ko, at kaya ko. Anumang struggle ang dumating sa aming dalawa, lalabanan ko for our sake, for our love's sake.



.........

"Mama, nandyan na po ba lahat ng mga papeles na kailangan natin mamaya sa hearing?" tanong ko kay Mama habang nag-aayos ako ng sarili ko.

"Oo anak, kumpleto na to."

"Sige po Mama."

"Ikaw ba anak, handa ka na ba?"

Napaupo ako sa kama. "Alam mo Mama, tinatanong ko nga din yan sa sarili ko eh. Hindi ko kase alam kung handa na ba ako. Pero, wala naman po akong magagawa kundi maging handa. Eto na po yun eh, eto na yung matagal kung hinantay na mangyari. Matagal ko ding hinantay na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa akin, at ang pagkamatay ni Momsy."

"Nandito lang ako anak. Hindi kita pababayaan. Nasa tabi mo lang ako palagi."

"Salamat Mama." sabay yakap ko kay Mama.

"Walang anuman anak."

"Mama, tayo na po. Baka mahuli pa tayo sa hearing."

"Sige anak. Baka nga maipit pa tayo sa matinding traffic."

Dumiretso na kami sa sasakyan at nagtungo na sa isang trial court dito sa Metro Manila. Habang nasa byahe, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sobrang kinakabahan talaga ako. Diyos ko, sino ba naman kaseng hindi kakabahan?



Matthew's POV

Kahit may hangover pa ako sa dinner date namin ni Rina kagabi, kailangang gumising ng maaga para mag-trabaho. Sayang lang at nasabay pa itong trabaho ko sa hearing ng kaso ni Rina, eh di sana nasamahan ko man lang siya at nadamayan, pero kahit wala naman ako dun, alam kong kayang-kaya yun ni Rina. Si Rina pa, eh mas matapang pa yata yun kesa sa akin eh.

Buti nalang talaga nagustuhan niya yung hinanda kong dinner date for her. Medyo nahirapan din talaga akong mag-isip ng concept. Madami akong pinag-pilian hanggang mag-come-up ako sa Japanese inspired dinner date. Para kase sa akin, sobrang romantic talaga ng dating ng cherry blossoms.

            Hayyy, that dinner date is one of the happiest night of my life, and Rina is one of the best thing that happened to me.

Sakay na ako ngayon ng taxi papunta sa trial court para sa hearing ng kaso ng kliyente ko. Kagaya ng kaso ni Rina, rape case din ang hawak kong kaso ngayon, pero yung rapist ang ipagtatanggol ko. Hindi ko alam kung dapat ko siyang tawaging rapist, kase sabi niya, hindi naman talaga siya ang gumahasa sa biktima at biktima lang d siya ng isang malaking kasinungalingan. Mahirap man ang sitwasyon, kailangan ko siyang paniwalaan, dahil hindi lang siya isang kliyente.

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon