CHAPTER 15
Rina's POV
"Atty. Rivero, do you have any witness or witnesses?" sabi ng Judge.
"I'm sorry, your honor, our witness failed to present himself today. Maybe he can present himself on the next court hearing." sagot ni Matthew.
Aba! At sino naman kaya ang witness nina Matthew?
Muling nagsalita ang judge, "On that note, let us proceed to the witnesses of the other side. Atty. Arevalo, please proceed."
"Mama, kayo na po ang sasalang." sabi ko kay Mama.
"Anak, kinakabahan ako."
"Wag po kayong kabahan Mama. Kaya niyo po yan." Tumayo na si Mama at umupo sa witness stand. Si Matthew ang magtatanong sa kanya.
"Magandang umaga po." bati ni Matthew kay Mama.
"Magandang umaga din po Attorney."
"Ahh...maaari po ba kayong magpakilala?"
Kita kong kinakabahan si Mama. "Ahh...Ako po si Guadalupe Mariano, pero Lupe po ang tawag nila sa akin."
"Aling Lupe, maaari po ba naming malaman kung ano po ang koneksyon niyo sa biktima?"
"Sa ngayon po ako ang guardian niya, pero hindi po kami talaga magka-ano-ano. Katulong po ako sa bahay nila dati, at noong mamatay po ang mga magulang niya, ako na po ang itinuring niyang Nanay, at itinuring ko din naman po siyang anak."
"Natatandaan niyo pa ho ba, kung ano yung mga pangyayari noong Marso 17 ng umaga taong 1992?"
"Natatandaan ko po na, noong umagang yun, nagpaalam po si Mam Betty kay Doña Isabel, na gagabihin daw po siya ng uwi dahil may project daw po silang gagawin."
"Teka lang po Aling Lupe, sino po si Mam Betty at Doña Isabel?"
"Si Mam Betty po si Rina, yun po ang tawag namin sa kanya noon, at si Doña Isabel naman po ang nanay niya."
"Linawin po natin ha, ang biktima ay nagpaalam sa kanyang ina na gagabihin ito sa pag-uwi dahil gagawa ito ng school project. Ano naman po ang naging sagot ng kanyang ina?"
"Hindi ko na po alam Attorney. Pumasok na po kase ako sa kusina noon, para magtimpla ng kape."
"Kung ganon, noong gabi na hindi pa dumadating ang biktima, ano naman po ang sitwasyon sa loob ng bahay nila?"
"Nakaabang lang po si Doña Isabel noon sa pinto. Inaantay niyang dumating si Mam Betty. Ipinasundo niya po ito kay Mang Tonyo, mga bandang alas nuwebe ng gabi. Tapos, mga alas-onse na po, hindi pa din po sila dumadating. Alalang-alala na po kaming lahat na nasa bahay, lalong-lalo na po si Doña Isabel. Hindi po siya mapakali noon. Dumating na po yung hatinggabi, tapos wala pa ding dumadating na Mam Betty. Sa sobra pong pag-aalala, hinimatay na po siya. Tapos kinaumagahan, dumating po yung dalawang tauhan nila sa farm, buhat-buhat po si Mam Betty na puro sugat, tapos iba na po yung suot niya na damit." Nagsimulang mapaiyak si Mama.

BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"