Chapter 17

41 0 0
                                        





CHAPTER 17



Second trial.

The judge said, "Attorney Rivero, please present the accused."

"Yes, your honor." sagot ni Matthew. Tumayo na yung rapist na tatay ni Matthew, nanumpa sa court clerk at umupo sa witness stand. Medyo maputla siya, siguro dahil na din sa sakit niya. Honestly, pakiramdam ko mas kinakabahan pa ako kesa sa rapist na yun. Natatakot ako sa sinasabi ni Matthew na katotohonan. Paano kung tama siya? Paano kung wala ngang kasalanan yung tatay niya? Pero hindi pwedeng mangyari yun! Nag-match ang sperm samples na nakuha sa akin, sa sperm niya. I know, mananalo ako.

Nagsimula ng magsalita si Matthew, "Magandang umaga po Mr. Sanchez."

"Magandang umaga din po." sagot ng rapist.

"Ikaw si Roberto C. Sanchez, at naakusahan kang gumahasa sa biktimang si Ms. Katarina Beatrice Arevalo." Parang nakuryente ako noong binaggit ni Matthew ang pangalan ko. "Totoo bang ginahasa mo ang biktima?"

Hindi agad nakasagot ang demonyong Roberto na yun. Tumingin siya kung nasaan ako nakaupo. "Ahh...Hindi po."

What? Hindi daw siya ang gumahasa sa akin? So ano? Ginahasa ko ang sarili ko? Damn!

Biglang lumakas ang bulungan sa loob ng court room.

Ipinukpok ng judge niya ang gavel niya, "Silence! Order in the court!" Tumahimik sa loob ng court room. "Atty. Rivero, please continue." utos ng Judge.

"Kung hindi po kayo ang gumahasa sa biktima, nasaan po kayo noong gabing mangyari ang panggagahasa? Maaari niyo po bang isalaysay ang inyong buong nalalaman?"

"Pauwe na ho ako noon galing sa bayan. Wala na ho akong masakyan kaya naglakad nalang ho ako. Habang naglalakad ho ako, may narinig akong parang sumisigaw at humihingi ng tulong. Boses po ng babae yung naririnig ko. Hinanap ko po kung saan nanggagaling yung boses. Pumunta po ako kung saan ko naririnig yung boses at nagulat po ako sa nakita ko. Ginagahasa po yung babae. Nagtago lang po ako sa damuhan. Kahit gusto ko ho siyang tulungan, hindi ko ho magawang lumapit dahil malaking tao po yung gumagahasa sa kanya. Aalis na sana ako para humingi ng tulong pero hindi ko napansin na may lalaki palang nakabantay sa akin sa likod. Sinuntok niya ho ako. Hindi ko na po nagawang lumaban. Dinala niya ako kung saan ginagahasa yung babae. Wala na pong malay yung babae noon. Pinilit kong kilalanin yung babae, pero masyadong madilim tapos may mga sugat at dumi na din siya sa mukha. Akala ko papabayaan na nila kami doon, at aalis na sila pero nagkamali ako. Inutusan nila akong hubadin ang salawal (shorts) ko. Tinutukan nila ako ng baril kaya naman hinubad ko na agad. Sabi nila gawin ko din daw yung ginawa nila sa babae. Sinabi ko hong hindi ko kaya. Sinabi kong bakla ako at hindi ko kayang gawin yun sa babae, kaya naman sabi nila, magpalabas nalang daw ako (ng semilya) at doon ko ilagay sa ari ng babae. Kapag daw hindi ko ginawa yun, papatayin daw nila ako. Hindi ko na po sinubukang mag-reklamo at ginawa nalang yung pinapagawa nila.Pagkatapos po nun,isinama po ako nung dalawang lalake at ikunulong nila ako. Matagal din ho nila akong ikinulong. Hanggang may isang lalaki silang inutusan para isuplong ako sa mga pulis, kaya nahuli ako at napatunayang nag-match ang semilyang nakuha sa akin at sa biktima."

"HINDI TOTOO YAN! SINUNGALING KA! HUWAG MONG ISISI SA IBA ANG KABABUYAN MO! WALANGHIYA KA!!!" malakas na sigaw ko habang nagpupumiglas dahil pinipigil ako ni Mama.

Ipinukpok ulit ng Judge ang gavel niya, "Order in the court! Order in the court! Atty. Arevalo, please calm down!"

Tumigil ako sa pagsigaw.

Ang kapal ng mukha ng demonyong rapist na yun! Wala daw siyang kasalanan? Hindi yun pwedeng mangyari! Nagsisinungaling siya! Gawa-gawa lang nila ang kwentong yun. Paano nagawa ni Matthew na tulungan ang tatay niyang gumawa ng isang walang katotohanang kwento? Paano niya nagawang baliktarin ang mga pangyayari, para lumabas na walang kasalanan ang tatay niya? Is he out of his mind? Sabagay, abogado sya.

Nagsalita na ulit si Matthew, "Paano kami makukumbinsi, na totoo nga ang sinasabi mo, at hindi ka lang nag-iimbento?"

"Totoo po ang sinasabi ko. Si Badong po ang makapagpa-patunay, na totoo po ang sinasabi ko."

"Si Badong? Sino si Badong? Nandito ba siya sa?"

"Siya po, siya po si Badong." Itinuro niya yung isang lalaking naka-upo din sa loob ng court room.

Biglang nagsalita ang judge, "Atty. Rivero, I want to hear from that Badong. Gusto kong malaman ang side niya. Maaari ba siyang tumestigo?"

          "Objection your honor, he's not in the list of witnessess." sigaw ko.

           "Atty. Arevalo, my court, my rules. Now, Atty. Rivero, can he testify?" the judge answered back.

Nilapitan ni Matthew si Badong. Kinausap niya ito. "Your honor, he is willing to testify." sabi ni Matthew sa Judge.

"Well, let him sit here in the witness stand."

Hindi ko alam kung ano ang susunod na mga mangyayari. Pakiramdam ko napagkaka-isahan ako. Pakiramdam ko nanliliit ako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko pinlano lahat ito ni Matthew.

"Badong, anong sinasabi ng akusado na ikaw ang makapagpapa-tunay, na hindi siya ang gumahasa sa biktima?" tanong ni Matthew kay Badong.

"Totoo po ang sinasabi ni Mang Roberto. Hindi ko po alam yung tungkol sa panggagahasa pero ako po yung nagsumbong sa mga pulis." sagot ni Badong.

"Paano po nangyari yun Mang Badong?"

"Ay papunta po ako sa bukid noon, tapos bigla nalang may humarang sa akin na sasakyan. Tapos bumaba po yung isang lalaki, at hinablot po ako. Tinutukan niya ho ako ng baril. Sabi po niya may ipapagawa daw po siya sa akin, kapag daw hindi ko po ginawa papatayin daw po niya ako. Yun pong pinapagawa niya ay yung pagsusumbong ko kay Mang Roberto sa mga pulis na siya ang gumahasa kay Mam Betty. Natakot po ako na kung hindi ko gagawin ay baka patayin po nila ako pati ang pamilya ko. Dalawang lalaki po yun nakasakay sa sasakyan, malalaking tao po sila, tapos dun po sa likod ng sasakyan nila, nandun po si Mang Roberto, naka-gapos."

Nagsimulang lumaglag ang luha ko. Ano ba itong naririnig ko? Ano bang mga sinasabi niya? Sobra na ang pagsisinungaling nila! Sobra na ang paggagawa-gawaan nila ng kwento.

"Your honor, that's all."

Tumayo ang court clerk at nagsalita, "All the witnesses and testimonies are presented. The case result will be released 2 to 3 weeks from now."

"The hearing is adjourned!"

Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko. Sa mga nangyari sa hearing, para bang pinanghinaan ako ng loob.

Maya-maya lumapit si Matthew kasama ang tatay niya. "Iha, alam kong hindi ka naniniwala sa pinagsasabi namin kanina, pero nagsasabi kami ng totoo. Alam ng Diyos na nagsasabi kami ng totoo. Kailanman ay hindi ko kayang gawin sayo yun. Matalik kong kaibigan ang tatay mo, kaya hinding-hindi ko magagawa sayo yun. Sana maniwala ka."

Tinitigan ko lang siya sa mata, pero hindi ako nagsalita. Tumayo kami ni Mama at lumabas ng court room.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman at kung anong dapat kong gawin. Ang alam ko lang hindi ako dapat sumuko. Naniniwala ako na ako ang papanigan ng korte, dahil ako ang biktima, ako ang na-agrabyado. Hindi dapat masayang ang ginawa kong paghahanda para sa laban na ito.







.........

LAW OVER LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon