CHAPTER 3
After kong maka-graduate ng high school, inayos namin agad ni Mama ang mga kailangan namin para makalipad papuntang London. Napili ko ang Cambridge University sa UK dahil matagal ko ng pangarap makapag-aral abroad. Alam ko din namang they offer one of the best education sa buong mundo.
Pinili ko din doon dahil gusto kong makalimot. Kahit alam kong hindi ko naman makakalimutan lahat ng nangyari, iba pa rin yung malayo ka sa lugar kung saan may mga painful memories, kung saan mo minsang naramdamang nag-iisa ka at wala ng pag-asa. Ayoko na maalala lahat! Gusto ko ng panibagong ambiance, yung maaliwalas, yung malayo.
Ipinagkatiwala ko sa mga dating tauhan ni Popsy ang mga businesses namin sa probinsya. Sa kanila ko na din pinamahala ang mga lupain ni Popsy. Sinigurado kong hindi basta-basta mawawala lahat ng pinaghirapin ni Momsy at Popsy. Ipinagkatiwala ko naman sa mga katulong ang mansion. Pinayagan kong doon sila tumira kasama ang kanilang mga pamilya, basta siguraduhin nilang mapapanatili nila ang kaayusan ng bahay. May tiwala ako sa kanilang lahat, dahil alam kong may tiwala sa kanila sina Momsy at Popsy.
..........
4 years na din kami ni Mama dito sa United Kingdom. Lagi akong nag-aadvance sa pagpasok para mas madali akong makatapos. I can't wait na makuha na ang justice na matagal ko nang hinahanap.
Naging okay naman ang buhay namin dito ni Mama. Minsan namimiss niya ang Philippines, pero sabi niya para sa akin magtitiis siya.
I was studying my lessons when I received a call from the Philippines. "Hello? Who's this?"
"Good Evening po diyan sa inyo Mam! Kami po yung nag-aasikaso ng rape case niyo. May good news po kami para sa inyo?"
Nabuhayan ako noong marinig ko yung sinabe ng lalaki on the other line. "Anong good news?"
"Natukoy na po namin kung sinong gumahasa sa inyo? Hawak na po namin siya."
"Really? Pa..ano? Paano niyo nalaman na siya nga yon?"
"May nagturo po sa kanya na nakakita daw po sa ginawa niyang panghahalay sa inyo. Natakot lang daw pong magsumbong ang witness noon, pero hindi naman daw po siya patahimikin ng konsensya niya. We have already run tests na din po, at nag-match ang semilya ng suspek sa semilyang nakuha sa inyo noon."
Natigilan ako ng mga oras na iyon. I felt na nagliwanag ang buong paligid ko, at parang nawalan ng gravity. Bumilis ang tibok ng puso ko, ramdam na ramdam ko ang saya sa narinig kong balita.
"Hello Miss Arevalo? Nandyan pa po ba kayo?"
"Oh yes! Yes! I'm still here. Please, wag niyo sya hahayaang makatakas. Bantayan niyo siyang mabuti. I still have 8 more months para tapusin ang pag-aaral at makapasa sa bar exam kaya hindi ko pa yan maaasikaso ngayon. Magsasampa na ako ng kaso, para makulong siya habang wala pa ako. Is that clear?"
"Yes Mam, Copy! Ah Mam, ayaw niyo po bang malaman ang pangalan niya?"
Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya, gusto kong alamin pero... "No! Don't bother telling me a demon's name. Saka ko na siya haharapin, pag-uwi ko. Just please, please make sure hindi siya makakatakas or maaabsuwelto."
"Okay Mam. Noted!"
"Okay, Thank you!"
I really want to shout that very moment. Sobrang saya ko talaga na nahuli na yung manyak at demonyong gumahasa sa akin. Konti nalang, matatapos na ang pag-aaral ko ng law. Sisiguraduhin kong magdudusa siya sa kulungan.
Ibinalita ko kaagad kay Mama yung good news. Masayang-masaya din siya para sa akin. Ngayon mas panatag na ang loob ko. Mas gumaan na din ang pakiramdam ko, para akong nabunutan ng tinik sa puso ko.
.........
Bukod kay Mama, madami din naman akong naging kakilala dito sa UK. Marami ding mga Pinoy akong nakakasama at isa na diyan ang kaibigan kong si Leila. Nagkakilala kami 2 years ago. Mas matanda sa akin si Leila at may anak na siya si Brietha. Mabait si Leila. Nakakapag-share ako sa kanya ng mga experiences ko, kasama na yung mga bad memories. Awang-awa nga siya sa akin dahil grabe daw ang nangyari sa akin, but the feeling is mutual. Naaawa din ako sa kanya, dahil mag-isa niya lang pinapalaki ang anak niya, in other words single Mom siya, pero ayaw niya na tinatawag siyang ganon, kase sabi niya, hindi naman siya iniwan ng asawa niya, dahil lagi daw itong nakabantay sa kanilang mag-ina. Namatay na kase ang asawa niya sa isang car accident ilang days bago ang kasal nila. Nakakalungkot nga eh, pero nakaka-inspire kase endless yung love nila sa isa't-isa.
Nasa isang coffee shop kaming dalawa ngayon, wala kaseng pasok at siya naman day-off niya. "Mabuti naman at nagkaroon na ng linaw yang kaso mo." Leila said.
"Oo nga eh, pero sana makuha ko ang gusto ko. Justice! I want him to suffer in jail forever!" I agreed.
"The time will come na magbabayad lahat ng may kasalanan sa'yo, pero sana dumating din yung point na makakapagpatawad ka."
"Hindi ko alam kung kaya kong magpatawad Leila. Kase yung sakit, alam mo ba, nararamdaman ko pa din dito sa puso ko. Feeling ko nga hindi na yun mawawala."
"It really takes time to heal, pero at a certain time, I know, In God's will, makakalaya ka din sa galit mo."
"I don't know how."
"Kaya mo yan. Pag-uwi mo ng Pilipinas, balitaan mo pa din ako ha."
"Oo naman, ikaw pa!"
"Maiba tayo, kumusta naman ang lovelife mo? Meron na ba? May nakita ka na bang English guy? Hahaha!"
"Ano ba namang tanong yan? Alam mo namang wala akong alam sa mga ganyan! Hahaha! Tsaka wala akong panahon diyan sa mga boyfriend, boyfriend na yan!"
"Ikaw naman, puro ka kase aral. Bigyan mo naman ng time ang sarili mo."
"Wala yan sa priorities ko Leila. May mga bagay na mas dapat unahin. Alam mo yan. Haha!"
"Pero walang makakapag-sabe, kapag dumating na yan, hindi ka na makakawala. Malalaman mo nalang, lunod na lunod kana sa pagmamahal. Hahaha!"
"Ayy, ewan ko sa'yo! Hahaha!"
.........

BINABASA MO ANG
LAW OVER LOVER
Romance"Magiging hadlang ba ang nakaraan para sa pagmamahalan sa kasalukuyan?"