CHAPTER 61: Guardian Angel

39.9K 336 15
                                    

Two weeks after the Engagement Party….

Kasalukuyan silang nagtatalo ni Mike about a certain scene for Diwata. Sa totoo lang, she didn’t see this coming…

Mike: Mikay, kelangan mong maintindihan na kasali talaga ‘to sa daloy ng kwento… Artista ka kaya dapat alam mo ‘yan… Hindi natin maiiwasan ang mga ganyang eksena…

Mikay: Mike, artista nga ako… Pero alam kong may karapatan din akong tumanggi kung gugustuhin ko… Seth, bakit ba tahimik ka lang jan? Pumapayag ka na rin ba sa gusto nilang mangyari?

Nasa isang office sila at kasalukuyang nagmi-meeting about the preparations para sa wedding scene nila ni James tomorrow…

Seth: Mikay, it’s just a simple scene… Why are you making such a big deal out of it ba? Dati nga may mga sexy scenes ka pa at okay lang sa ‘yo ‘yun… Tapos ngayon, simple wedding scene niyo lang ayaw mo pa…

Mikay: Pero Seth, kilala mo naman si Gino ‘di ba... Sigurado hindi ‘yun papayag sa eksenang ‘to…

Seth: Yeah, he’s my friend… Pero kelangan niyo ring maintindihang dalawa na what we have here is work… Wala dapat personalan…

Mikay: Am I gonna be wearing a gown?

Seth: Okay, ganito na lang… We’ll make some revisions… No wedding gowns na lang… Let’s just make it simple but formal… Pero kelangan sa simbahan kukunan ang eksena… Will that be okay? It better be okay, Mikay… kasi papagalitan na tayo ng management ‘pag nagkataon…

Problemado pa rin siya. Wala pang kaalam-alam si Gino tungkol sa bagay na ‘to dahil kaaalis lang din nito kaninang umaga papuntang Bohol kung saan gaganapin ang kasal nila next week sa hotel resort na pag-aari rin nito. He would want to personally see that everything is under control on the preparations…He’d also spend the night there. Kaya hindi ito makakauwi para makausap niya.

Mike: Uy, Mikay! Ano na? Okay na ba ‘yun?

Mikay: Parang wala na rin naman akong magagawa eh…

After the meeting ay naisipan na lang niyang tawagan sa cellphone si Gino… Kahit man lang sa phone ay maipapaalam niya ang bagay na ‘yun…

Gino: Hello, babe?

Mikay: Uhm, babe, kamusta na pala jan? Naaayos na ba ‘yung mga plano?

Gino: We’re getting there… May mga few touch ups pa… Pero eventually, magiging okay na rin…

Mikay: That’s good, then…

Gino: O, bakit parang nararamdaman ko hindi talaga ‘yon ang reason ng pagtawag mo? Siguro nami-miss mo na ako noh? Ikaw talaga, aminin mo na kasi agad-agad…

Mikay: Sira! Hindi ‘yun ang rason noh! Pero pwede na rin…

Gino: Tingnan mo… Nagpapakipot ka nanaman eh… Pero buti na lang ‘di ka pakipot kagabi…

Mikay: Naku! Parang hindi ko ata masasabi kung bakit talaga ako tumawag ah… Ang kulit-kulit mo kasi eh!

Gino: O sige, one minute behave muna ako… Ano ba ‘yon, babe?

Mikay: Ah… Uhm… K-Kasi… May eksenang kukunan sa amin ni James bukas… Wala dati ‘to sa kwento pero sabi may revisions na ginawa ang writers eh…

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon