CHAPTER 11: The Event (Part II)

46.3K 419 15
                                    

Ipinilig ni Mikay ang kanyang ulo. Kelangan na niyang tigilan ang parating pag-iisip sa nakaraan. The things that happened in the past have reasons why they only belonged in the past. But what if she'll have the chance to turn back the time, will she change anything?...

Jao: Mikaela?

Mikay: Ah... Jao!

Jao: What are you doin' here?

Mikay: Ahm... W-wala. I was on my way back. But suddenly I got tired. So, umupo muna 'ko.

Jao: Well, yeah. I think you rest for awhile. Especially that you'll need more energy later.

Tinitigan siya nito nang malagkit.

Maybe, she needs to stop all this pretending. Pagod na siya. Siya rin ang mas higit na nasasaktan. She just wants to go home. She just wants to wake up the next morning hoping to forget...

Mikay: I-I think we have to go back to the party.

Inalalayan siya ni Jao sa bewang habang naglalakad sila pabalik sa bulwagan. Pagbalik nila roon ay may ilang tao na rin ang nagsasayawan habang kumakanta si Gino... Kisapmata ang kinakanta nito at mukhang enjoy sa pagkanta...

Matapos ang ilang minuto...

Emcee: Thank you so much for being a wonderful audience, guys!! The party's goin crazy out here!!! But that's just the start! Yes, guys! We have more!

Excited at curious ang mga audience.

Emcee: We're gonna be having a game! Well, it's not exactly a game. But all the ladies out here should be joining. Yes! including the "taken". Wala pong personalan! :)

"Pano ang mga bakla?!", sabi ng isang kabilang sa third gender.

Emcee: Nope! Hindi po pwede! Ladies lang po talaga! 

Nakita niya si Gino na ngingiti-ngiti lang sa stage habang hawak pa rin ang gitara.

Emcee: All of the ladies, should have to go here on the dance floor! Lahat po! Then, Gino here will have to choose five! Five lucky ladies that look extremely hot for him! Yes! It's gonna be his choice!

The crowd went wilder.

Emcee: And the prize?! Hmmm... Those ladies would get the chance to dance with Gino on the dance floor!

Tilian na ang mga babae. Nandiyan ang nag-ayos bigla ng buhok. Merong nagbaba pa lalo ng plunging neckline. The other bitch that she saw awhile ago, ay nakita pa niyang itinaas nang higit ang maiksi ng palda. Meron pang naglabas ng lipstick at dinagdagan ang dati ng mapulang labi.

Kelangan na niyang umalis. Kelangan niyang tumakas. Akma siyang tatayo. Ngunit natanawan niya ang mga reporters sa dadaanan niya. Napaupo siya bigla. Mapapansin ng mga ito na nag-walk out siya sa portion ng game na involve si Gino. Lalong manghihinala ang mga 'yon sa gagawin niya. Iisipin nila na guilty siya dahil kung wala naman siyang tinatago ay makikisali pa siya sa game.

Napansin niyang nagpupuntahan na ang mga girls sa dance floor.

Jao: I think you should go. It would be an honor pag napili ka niya. Knowing that you're my date and all...

Nakangiti pa ito.

Tumayo na rin siya at sumunod sa dance floor. 

Halos lahat ng mga ladies ay di magkamayaw na pumwesto sa harapan sa paniniwalang agad silang mapapansin ni Gino. Pasimple lang siyang tumayo sa kung san siya nahinto. Tingin niya ay mga nasa bandang likuran siya. She doesn't care. Just for the sake of participating. Paglinga niya ay napansin niyang nakisali rin si Zharm. Mukhang full of confidence na ito na isa siya sa mapipili.

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon