CHAPTER 30: If The Feeling Is Gone...

42.4K 366 36
                                    

Kanina pa naririnig ni Gino ang tugtugan na nagmumula sa ibaba. Malamang nag-eensayo na ang banda para sa birthday party ni Seth bukas ng gabi…

“Sir Gino, pinapagising na kayo ng mga kaibigan niyo… Kelangan niyo na daw makipraktis…. Sir… Sir…”

Naririnig niya ang sinasabi ng yaya ni Seth. Pero pinili niyang wag itong pansinin. Nang makita niyang nakaalis na ito ay saka na lang niya minulat ang mga mata… Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama. Mukhang napadami siya ng nainom kagabi. Ang lakas tuloy ng hangover na nararamdaman niya. Napapikit siya habang minamasahe ang batok.

Nasa ganun siyang ayos nang tumunog ang cellphone niya. Si Zharm ang nasa registry… Inis niyang sinagot ang tawag…

Gino: Oh, anong meron?

Zharm: Party ni Seth bukas ah… Hindi mo ba ‘ko invite na date mo?

Gino: Kelangan pa ba ng ka-date? Pwede namang magkita na lang tayo bukas dito sa bahay ni Seth ah… Saka meron na pala ‘kong na-invite…

Zharm: T-Talaga? Sino?!

Gino: Kelangan mo pa bang malaman Z?! Basta meron na ‘kong ka-date!… Maghanap ka na lang ng iba…

Agad na niyang pinutol ang tawag. Wala siya sa mood ngayon para sa mga kakulitan ni Zharm. Ni wala siyang balak magkaroon ng date bukas, Pero alam niyang aali-aligid nanaman ‘yun sa kanya sa party… Kaya dapat na siyang maghanap ng iba…

He scanned his phonebook… Mandy… Jessica… Jazel… Celine… Karen… Who the heck is Karen?... He barely knows these ladies. All of them had been his dates to some events only once. Kaya posibleng ‘di na niya maalala ang karamihan. He got pissed with all the names he saw on his phone. Hinagis na lamang niya ‘yon sa kama at lumabas ng bahay diretso sa pool area…

He sat on the reclining chair on the poolside. Bahagyang nakakunot ang noo niya dahil sa tama ng sikat ng araw. He took his cigar out of his pocket at sinimulang humitit. Somehow, he feels his hangover being relieved…

Katsumi: Pare, ‘wag masyado…

Umupo ito sa katabing reclining chair.

Gino: Tang***! pare, ang lakas ng hangover ko!…

Katsumi: Eh sino ba naman kasi nagsabi sa ‘yong uminom ka ng marami… Tsk!

Hindi niya ito sinagot. Nagpatuloy lang siya sa pag-yosi.

Katsumi: Sigurado maraming artistang darating bukas… Isa lang ibig sabihin nun! Maraming chicks!

Gino: Sana nga mapansin ka nila…

Katsumi: Yabang naman neto… Syempre naman mapapansin ako… Pinaghandaan ko talaga ‘yun eh…

Gino: Si Seth, anjan ba?

Katsumi: Nasa taping pa… Ahh, pare, natanong ko pala siya kanina bago umalis… Invited pala si Mikay bukas… Alam mo naman, magkaibigan ‘yung dalawang ‘yun…

Muli siyang humitit ng sigarilyo.

Gino: Wala naman akong nakikitang mali kung pumunta man siya bukas…

Katsumi: Kung pupunta siya.. Bale, magiging unang pagkikita niyo ‘yun simula nung naghiwalay kayo…

Gino: Napakatagal ng panahon ‘yun, pare… Kung magkita kami, eh ano naman ;di ba?

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon