CHAPTER 49: Chasing The Heat

44.8K 348 30
                                    

Back in Manila…

May isang buwan na rin simula nang dumating sila mula sa New York… Although naging busy talaga siya, hindi naman niya napapabayaan ang mag-ama niya. She always makes sure she finds time to be with them. Kaya lang hindi na talaga maiiwasan ang pagkuha nila ng yaya.

Everything seems to be working out just fine. Hindi na rin ganon ka-busy si Gino. Lalo na at talagang sobra na ang paglago ng kumpanya nito to the point na hinahayaan na lang niya ang mga tauhan ang gumagalaw. He just goes to the office during special meetings o kung may mga kailangang pirmahan.

Dahil sa sobrang luwag ng time nito ay tinanggap pa nito ang offer na trabaho ng isang unibersidad para maging lecturer ng isang subject. Ayon dito ay hindi naman daw demanding ang trabahong iyon lalo na at dalawang beses lang naman sa isang linggo ang pagpunta nito…

Samantalang siya naman ay ipinagpatuloy na ang taping ng Diwata. At tama nga ang network niya dahil tila lalo pang tumaas ang interest ng mga tao sa kanya simula nang malaman ng mga ito na may anak na siya at si Gino ang ama. Kung tutuusin nga naman, mukhang interesting talaga ang love story nila.

Kasalukuyan na siyang palabas ng set nang matanawan na niya agad si Gino sa labas at tahimik lang na nakatayo. Agad siyang lumapit dito.

Mikay: How’s my big baby?!

Yumakap siya dito. At agad naman siyang niyakap sa may bewang…

Gino: I miss you…

Mikay: Aww… I miss you too… How’s our little baby?

Pinagbuksan na siya nito ng pinto ng sasakyan at pinasakay na muna sa loob. Nang makaupo na rin ito sa driver’s seat ay saka na lang muling nagsalita…

Gino: Ayun nakatulog nanaman… I wonder kung san nagmana ang bata na ‘yon… Masyadong mabait eh…

Tama ito sa sinabi. Masyadong mabait ang anak nila. Nakaugalian na lang kasi nitong kumain, maglaro at matulog. Napakabihira pa nitong umiyak.

Mikay: Syempre ibalato mo na lang sakin ‘yung ugali noh! Para kahit man lang ‘yon eh may nakuha sakin…

Bahagya itong natawa sa sinabi niya…

Gino: Diretso uwi na ba tayo?

Mikay: Ahh, hindi pa eh… May rehearsal pa ako for ASAP… Pero saglit lang naman ‘yon…

Gino: Rehearsal? What are you gonna do?

Mikay: Uhm… Sasayaw…

Lumingon ito sa kanya…

Gino: Mag-isa mo lang?

Umiwas siya ng tingin dito.

Mikay: H-Hindi…

Alam na nito ang ibig niyang sabihin…

Gino: Okay, we’ll go, then…

Nang makarating na sila sa tapat ng building ay muli siya nitong pinagbuksan… Nagmamadali na siyang naglakad papasok dahil mukhang male-late na siya. Pero muli siya nitong tinawag…

Gino: Mikay!

Mabilis siyang lumingon dito.

Mikay: What?

Gino: I wanna watch…

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito…

Mikay: Are you sure?

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon