CHAPTER 22: On My Own Terms

41.5K 325 15
                                    

"Mr. Rafael Maghirang, a former big boss of the Dela Rosa Empire, Inc., who has been fired due to discovered falsification of documents in order to acquire millions of money from the company, is recently found to be in a hiding. Reports said that he left the country several months ago and cannot be contacted eversince. He is currently facing multiple charges of estafa, swindling and some administrative cases as well. Just recently, all his properties were auctioned and put into bidding. However, Mr. Gino Dela Rosa, the new CEO of Dela Rosa Empire, Inc. and the current boyfriend of Mikaela Maghirang, had managed to win all the biddings and ultimately acquire all the properties of the Maghirangs."

Nakatingin lamang si Mikay sa telebisyon at kasalukuyang pinapanuod ang balita. The news is everywhere. At lagi siyang kabilang doon. Yes, Gino didn't keep his promise. Binili pa rin nitong lahat ang mga ari-arian nilang mag-ama. All she ever thought before ay yung mansion lang talaga ang balak nitong bilhin. Hindi niya akalain na mag-iinvest pa ito ng milyun-milyong halaga para sa iba pa nilang properties.

Sa kaibuturan ng kanyang damdamin, kahit papano ay masaya siya dahil nakuha nito ang kanilang properties. Pero kakaiba pa rin dahil kay Gino na nakapangalan ang lahat ng mga 'yon. Ngunit nangako naman ito na ipapaayos agad ang pagpapalipat ng pangalan sa kanya. But it will surely take more months dahil sa pagpapaayos ng mga papeles.

Besides, that is his money. Ang dapat ay hindi nito ipamigay na lang basta ang mga 'yon. Pero iba si Gino... Binili niya lamang ang lahat ng kanilang mga ari-arian para muli ring ibalik sa kanya...

Sa totoo lang ay nagiging manhid na siya sa lahat ng mga balitang naririnig tungkol sa kanya. She expected all of it. A lot of accusations being thrown at her. Sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip na ginagamit lang niya si Gino samantalang kung wala nga ito sa buhay niya ay baka kasama na niya ang mga pulubi ngayon sa gilid ng kalsada.

Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng condo. Ito na lamang ang tanging pag-aari niya. Ngunit maaari rin itong mawala sa kanya kung hindi lamang patuloy na binabayaran ni Gino ang mga bills, insurance, taxes, utilities, at maintenance. Ang lahat ng mga perang inaabot naman nito sa kanya ay pilit na lamang niyang iniipon. Iba pa rin kahit papano kapag may sarili rin siyang pera.

Napabuntunghininga siya. Naisip niyang kelangan na rin niyang magtrabaho. 'Yung hindi kelangang umasa sa iba para lang mabuhay...

_______________________________________

Kasalukuyan silang kumakain ni Gino ng hapunan. Matagal din silang nagkwekwentuhan nang maisip na niyang sabihin ang kanina pa tumatakbo sa isipan...

Mikay: Ahm... Gino... Naisip ko lang kasi... Tutal matatapos ko na rin ang 1st sem... Hindi ko na muna siguro itutuloy mag-2nd sem... Gusto ko sanang maghanap muna ng trabaho...

Hindi ito agad umimik. Hininto nito ang pagkain. Sumandal sa upuan at nakatingin lang sa kanya.

Gino: Bakit kulang ba mga inaabot ko sa 'yo? Sabihin mo lang para madagdagan ko...

Mikay: That's not what I mean... Gusto kong magtrabaho kasi I need to stand on my own feet... Hindi ko gusto 'yung lahat eh iaasa ko na lang sa 'yo...

Gino: Pero kaya naman kitang buhayin ah...

Mikay: You still don't get it do you? Wala na tayo sa sinaunang panahon na dapat ang lalaki lang ang bumubuhay sa babae... I need to do this for myself, Gino. Gusto kong maramdaman na may silbi rin ako...

Seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Matapos ay bumuntung-hininga.

Gino: Sige... Pwede kang magtrabaho... Anyway, nangangailangan ang kumpanya ng bago kong secretary... You could fill in that job.

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon