CHAPTER 27: The Pain

40.1K 330 76
                                    

Pagdating nilang dalawa sa Manila ay mas higit pa silang naging busy sa kanilang mga trabaho. Lalo na at tuwang-tuwa ang kanyang boss dahil nakakontrata nga naman siya ng milyung-milyong halaga ng deal. She has been proclaimed as one of the top dealers in the agency.  But she feels like she doesn’t deserve that recognition at all.  

Pero kahit papano ay masaya na rin siya sa kanyang ginagawa dahil nararamdaman niya ang independence… ang kakayanang mabuhay sa sarili niyang mga paa…

It was already 5pm. May usapan sila ni Gino na susunduin siya nito pagkatapos ng trabaho niya at magdidnner daw sila sa isang fine dining restaurant. Nagsisimula na siyang mag-ayos ng mga gamit niya sa opisina nang biglang lumapit ang kanyang boss.

Mam Luna: Mikaela, I just received a call… We have an emergency meeting to a new client. Mukhang nag-aapura itong makahanap ng agency para sa bago nitong hotels. I want you to meet up with him right now…

Mikay: Pero, mam, 30minutes na lang po matatapos na ang office hours natin…

Mam Luna: I know. Pero dapat alam mo din na nasa exceptions natin ang mga ganitong  situations. I want you to handle this client ‘coz I believe you’re our lucky charm… Don’t worry, I’ll just consider this as your overtime….

Hindi naman ‘yung sweldo ang concern niya eh. Iniisip niya ‘yung usapan nila ni Gino na dinner sa restaurant. Pero naisip niyang maaaring matuloy pa rin naman kung bibilisan niyang makipag-usap sa client. Usually every meeting lasts for about an hour or two.

Matapos makuha ang address ng pupuntahan niyang kliyente ay agad na siyang lumabas ng opisina at tumawag ng taxi. Pagkasakay niya ay tinawagan na niya si Gino. Sinabi niya ang buong pangyayari. At binilinan niya itong magkita na lang ulit sila sa labas ng opisina niya mamaya. Umayon naman ito sa usapan at sinabihan na lang siyang mag-ingat.

Mga isang oras din bago niya narating ang address na pagkikitaan nila ng kliyente niya. Maaaring dala na rin ng sobrang traffic kaya napatagal ang byahe. Pagkadating doon ay bahagya siyang nagtataka dahil hindi mukhang hotel ang lugar. Mukha itong mababang klase ng motel. Binilinan niya ang driver na pumasok sa loob ng ground floor parking area. Base kasi sa instructions ay doon daw sila magkikita ng kliyente.

Pagkaalis ng taxi ay naiwan lamang siyang nakatayo mag-isa roon. Medyo kinakabahan na siya. Pakiramdam niya ay parang may mali sa nangyayari. Sigurado siyang motel ang lugar na ‘to. At mukhang kaduda-duda na dito pa sila magkikita sa parking area. Pero naisip naman niya na hindi siya basta-basta ipapadala ng kanyang boss sa lugar na ‘to kung hindi big time ang kakausapin niya.

Nasa ganoon lang siyang ayos nang may makita na rin siyang paparating na isang magarang kotse. Matapos mag-park ng sasakyan ay nakita niyang may bumabang isang lalaki mula sa driver’s seat.




Mikay: J-Jao?

Tumingin ito sa kanya. Tapos ay ngumiti.

Jao: Hello, Mikaela. Long time no see….

Mikay: A-Anong ginagawa mo dito.

Unti-unti itong lumalapit sa kanya.

Jao: Well, I just wanted to see you… and talk to you…

Mikay: Ikaw ba ang kliyente ko?

Higit itong napangiti.

Jao: Well, depende yun sa kung anong klase ng kliyente ang ibig mong sabihin…

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon