CHAPTER 46: Nail Polish

45.6K 358 22
                                    

And true to his words ay lumipat na nga nang tuluyan si Gino sa apartment niya. But he just brought some of his clothes. According to him, it’s just a waste of time doing all the packing of his other things.

At sa pagdaan ng dalawang linggo ay tila napakabilis ng paglaki ng kanyang tiyan. And because of that, she had to buy new sizes of clothes. Well, he’s always been there by her side. Lagi lang itong nakaalalay sa kanya. Kung tutuusin ay parang naging yaya na niya ito sa sobrang pag-aasikaso sa kanya. He also carries her to bed every time she’s about to go to sleep dahil hindi nito gustong umaakya’t baba siya ng hagdanang mag-isa.

He even cooks for her. And serves her breakfast in bed. Morning sickness is always there. Parati lang nitong hinihimas ang likuran niya sa tuwing tumatakbo siya sa sink para magsuka. And he’s always been very patient. Lalo na at may tila pinaglilihian siyang kung anu-ano….

Mikay: Gino, wag ka ngang malikot!

Kasalukuyan siyang nagpepedicure sa sofa sa sala. Pero si Gino ay kanina pa nakayakap mula sa likuran niya habang hawak ang nakaumbok niyang tiyan. At tila komportableng-komportableng nakasandig ang ulo nito sa likuran niya mismo.

He’s always been sweet to her. Hinahayaan na lamang niyang gawin ang mga bagay na gusto nitong gawin sa kanya. But she’s still setting some limitations, of course…

Gino: Wag ka ring malikot, Mikay… natutulog kami ni baby…

Mikay: At talagang ginawa mo pang unan ang likuran ko ganon? Pwede ba, umayos ka muna! Nagpepedicure ako eh!

Gino: Bakit kasi hindi ka na lang pumunta sa nail salon o kaya tumawag ka ng home service? Papakahirap ka pa jan eh…

Mikay: Dahil gusto ‘tong gawin, okay? Besides, nakakainip na dito sa loob ng apartment.

Muli siyang nagpatuloy sa ginagawa. Naramdaman niyang pinatong nito ang baba sa balikat niya at sinisilip na ang ginagawa niya…

Gino: No! Wag yan! Lagi na lang ganyan nail polish mo eh…

Mikay: Ano ba? Pati ba naman kulay ng nail polish ko papakialam mo na rin?

Gino: I want the red one…

Mikay: Ayoko!

Gino: Gusto ko nga!

Mikay: Eh di ikaw maglagay sa toenails mo!

Gino: Sige na, Mikay… Mas seductive tingnan sa paa mo eh…

Mikay: Mas lalong ayoko!

Pero hindi nito pinakinggan ang sinabi niya. Pumunta na ito sa paanan niya at kinuha ang pulang nail polish…

Gino: I’ll do it for you…

Nakangiti nitong sabi…

Mikay: Ay ano yan? New found career? Manikurista ka na ngayon ganon?

Gino: Alam mo, Mikay… Kahit ano… kahit ano talaga gagawin ko… basta ikaw ang pagsisilbihan ko…

Naaaliw siya sa balak nitong gawin kaya hindi na siya tumutol nang sinimulan na nitong buksan ang red nail polish. Base sa itsura nito ay mukhang ngayon lang ito nakahawak ng ganon…

Mikay: Oy! Ayusin mo ha! Nag-effort akong linisan yan tapos dudumihan mo lang…

Gino: Relax… Madali lang ‘to… Parang painting lang ‘to eh…

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon