CHAPTER 34: A Gamble

44.7K 364 18
                                    

Just like that… Just like that… She had given herself to him just like that… For two years she had taught herself to become a different person… For two years she had taught herself to be as tough as she can be… Pero ganun lang kadaling baguhin ni Gino ang lahat sa kanya…

Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng tent at nakatingin sa malayo. Ngunit wala ni anumang makikitang emosyon sa kanyang mukha…Nakikita na niya ang malapit ng pagsikat ng araw… Any minute ay alam niyang magigising na rin si Gino na mahimbing pang natutulog…

Binalikan niya ang una muli nilang pagkikita sa party ni Seth. That was also the same night he could have easily taken her at the condo if he just didn’t stop. At nang matapos ‘yon ay muli siyang nangako na hindi na kailanman mauulit ‘yon. Napapikit siya sa katangahang nararamdaman para sa sarili. Napakadali niyang bumigay. Napakarupok niya pagdating kay Gino.

After all the sufferings she felt… All the pain… Andito nanaman siyang nagpapakatanga… All the love she felt for him years ago… Ang pagmamahal na matagal na niyang ibinaon sa limot… Ang lahat ng ‘yon ay muling nagbabalik…

Kahit na masyado na siyang nagiging tanga ay hindi niya magawang magsisi sa nangyari sa kanila kagabi. Strangely, she feels really happy. Nararamdaman niyang handa na siyang muling sumugal. Pero sa sugal na gagawin niya alam niyang matatalo siya.  At handa na siya sa bagay na ‘yun…

Ano pa at naging magaling na artista siya kung hindi rin niya kayang magpanggap na hindi nasasaktan… para lang magkaroon ng pagkakataong muling makasama ang minamahal kahit pansamantala lamang…

Gino: Mikay…

Lumingon siya dito. Nakatayo ito malapit sa likuran niya. Tila sinusukat nito ang emosyon na meron siya.

Mikay: Good morning!… How was your sleep?

She’s smiling at him. Mukhang hindi nito inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya.

Gino: I-It’s okay… Ikaw? Ayos ka lang ba?

Mikay: I’m fine… Wala namang problema…

Matagal lang itong nakatitig sa kanya.

Mikay: What?

She’s still smiling at him.

Gino: About last night… I’m really sorry…

Mikay: Don’t be sorry about it, Gino… Ginusto nating dalawa ‘yun kaya bakit ka mag-sosorry?... In fact, didiretsuhin na kita ‘coz I want us to talk about that…

Gino: What do you mean?

Mikay: Well, ikaw na rin ang nagsabi na we’re still attracted with each other… And you’re right, I still want you… That’s why I have a proposition to make…

Kumunot ang noo nito…

Gino: Ano yun?

Lumapit siya dito.

Mikay: I want to have an affair with you…

Her voice nearly cracks the moment she said that. But she tries to remain calm. She can’t lose her confidence now.

Lalong kumunot ang noo nito. Pero bago pa ito makapagsalita ay nagpatuloy na siya…

Mikay: We don’t love each other anymore. You don’t trust me and I don’t trust you… No strings attached… You can date others and so am I…

Gino: An affair?

Higit siyang lumapit dito. Saka ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat nito. At tumingin siya na parang nang aakit…

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon