CHAPTER 16: Back To The Real World

47.2K 398 12
                                    

Nakaupo si Mikay sa tabi ni Gino habang nagmamaneho ito pabalik ng Maynila. Unti-unting bumabagabag ang ilang mga katanungan sa kanyang isipan. Hindi siya nag-isip nang kung ano pa man tungkol sa mga naiwang problema nung nasa isla pa sila. Tila nakalimutan niya ang lahat ng mga 'yon. Ngayon tuloy ay gusto niyang malaman lahat ng kasagutan...

Mikay: Gino... Nung nasa isla pa tayo... Wala ka bang naririnig na balita mula sa Manila?

Bahagya itong lumingon sa kanya.

Gino: Minsan nakakasagap ako ng signal sa radyo...

Mikay: Anong naririnig mong balita tungkol sayo o sakin?

Gino: Parang 'di ka naman nasanay sa mga 'yun... May mga negatives... But it really doesn't matter... Wag mo na lang silang alalahanin...

Mikay: Hindi naman ako nag-aalala para sa sarili ko eh. Ako, sanay na ako. It's you I'm worried about... Kakasimula mo pa lang kasi sa pamamahala ng kumpanya...

Nakita niyang ngumiti ito.

Gino: 'Wag mo akong alalahanin, Mikay... Saka kung hindi naman dahil sa nangyari sa party, hindi sana tayo magkasama ngayon... At lalung-lalo nang hindi tayo nagkasama sa isla...

Mikay: Pero kahit na... Pano ang kumpanya? Pano yung mga magiging future business partners mo? Baka umurong na sila pag nakita ang ginawa mo...

Bahagyang natawa si Gino.

Gino: Alam mo, the company's doing great right now because of me... In fact, napalago ko ang stocks in less than a year. 'Yung performance ng company ang tinitingnan nila, Mikay... not my personal life...

Mikay: P-Pero pano pag magdemanda si Jao?! Senator ang daddy niya... They have connections!... Pano pag makulong ka?!... I should have thought about this sooner...

Panic came at her. Lalo na siyang kinabahan at nangilid na ang luha sa mga mata niya. Naramdaman niyang hininto ni Gino ang kotse sa gilid ng kalsada... Niyakap siya nito...

Gino: You really worry too much...

Mikay: Of course, I worry too much! They have every right to do that to you! And you're not even a bit worried?

Gino: I'm not... Kasi alam kong hindi nila magagawang magdemanda...

Umalis siya sa pagkakayap nito.

Mikay: Ano? P-Pano mo alam?

Nalilito niyang tanong dito. Tumingin si Gino sa labas.

Gino: Mayaman sila dahil sa mga businesses nila all over Luzon... May mga illegal transactions sila na ang kumpanya lang namin ang nakakaalam... And we have hard evidence... Balak naming ilabas yun sa tamang pagkakataon...

Mikay: Alam ba nilang alam niyo?

Gino: Oo naman... Kaya takang-taka ang media pati na ang mga pulis kung bakit hindi sila nagdemanda...  May mga lumalabas tuloy na speculations na baka raw may atraso sila samin... Alam mo bang 'pag nailabas ang mga ebidensya, hindi lang ang business nila ang lulubog. Pati ang dad niya, masisira sa taong-bayan at pwede pang mapatalsik sa pwesto...

Mahaba nitong paliwanag.

Mikay: So nalaman mo ang lahat ng 'to and not even bother telling me?

Lumingon ito sa kanya.

Gino: It felt like it's not even important para pag-usapan pa... Saka wala na akong ibang nasa isip kundi ikaw lang, Mikay... At kung anong meron tayo...

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon