CHAPTER 14: In The Yacht

49.9K 462 31
                                    

Manghang-mangha si Mikay nang makita niya ang yate. Mas malaki ito sa inaakala niya. At mas lalo pa siyang namangha nang makaakyat siya sa deck nito. Maybe, it's because she hadn't been in a yacht before. But she's quite sure that she's loving everything she's seeing right now. There's this awesome pool in the deck with complete amenities including a bar lounge...

Iniwan siya saglit ni Gino dahil ito rin ang nagpapaandar ng yate. Nilibot niya ang paningin sa karagatan. Tila napakaliit na ng islang pinanggalingan nila kanina. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Gino. But she doesn't care... as long as she's with him...

Gino: Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah...

Tumingin siya dito. Napansin niyang huminto na sa pag-aandar ang yate.

Mikay: Hindi naman. Napakaganda lang kasing tingnan ng dagat... Bakit huminto tayo?

Gino: Dito na muna tayo. Pahinga lang muna. Saka mukhang masarap mag-swimming eh. Dinala mo naman siguro mga binili kong swimsuits sa 'yo  'di ba?

Nakangiti nitong tanong.

Mikay: Ano pa nga ba... Eh yun lang nga halos pinamili mo eh...

Gino: Ayos! Buti pa ihatid na kita sa kwarto nang makapagbihis ka na...

Sinama siya ni Gino sa baba ng deck at itinuro sa kanya ang kwarto. Maluwang ang size ng kwarto at as usual kumpleto ito sa lahat. Kaso napako ang tingin niya sa bag ni Gino na nakapatong sa kama.

Mikay: Bakit andito yung bag mo?

Gino: Eh syempre kwarto ko to eh...

Mikay: Bakit dito mo 'ko pinunta?

Gino: Para magka-kwarto tayo...

Mikay: Huh? Bakit? Mukhang andami namang kwarto dito ah...

Napakamot ng ulo si Gino.

Gino: Alam mo, pag gabi, minsan umuulan o kaya lumalakas ang alon. Naisip ko lang na baka matakot ka. Eh maluwang naman yung kama ko eh. Kaya share na lang tayo...

Mikay: Gino, hindi ako natatakot sa ulan o sa alon, okay? So please lang, bigyan mo ako ng sariling kwarto.

Tumingin ito sa kanya. Parang sinusukat siya nito kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

Gino: Merong isang kwarto sa dulo. Eto sanang sa tapat ng kwarto ko kaso under renovation pa yan...

Paiwas na ito kung tumingin sa kanya. Typical Gino 'pag nagtatampo...

Mikay: Okay na ako dun sa dulo.

Itinuro sa kanya ni Gino ang dulong kwarto at mukhang malayo-layo nga ang agwat sa kwarto nito. Tama nga ang kutob niyang nagtatampo ito dahil umalis nang hindi nagpapaalaam matapos siyang ihatid.

As she entered the room, pansin niyang the room is smaller. But it still has its own bathroom. Binuksan niya ang dalang bag. Kelangan niyang mamili kung ano ang isusuot na swimsuit. She's trying to choose the most conservative looking garment. Pero naiinis na siya dahil lahat ng binili ni Gino ay two-piece. And all are so skimpy...

Talagang mukhang sinasadya nito. She had no choice but to wear the yellow bikini. Well, yellow looks wholesome. Kesa naman piliin niya yung red or black. She looked at her reflection in the mirror. Napangiwi siya sa nakita. She had never worn such a revealing swimwear before. Halos wala nang natatakpan sa dibdib niya. At ganun din ang bikini na suot niya... Kitang-kita ang kurbada ng katawan niya... And she looks really sexy...

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon