Lumipas ang mga araw na ipinagpatuloy lamang nila ni Gino ang kanilang mga usual daily routines. They both go out to work in the morning. Hinahatid-sundo siya nito parati. At kung minsan namang walang trabaho si Gino ay ito na mismo ang nagsisilbing driver niya sa mga lugar na mga pinupuntahan niyang kliyente. Hindi nga lang niya ito pinapayagang bumaba ng sasakyan at magpakita sa mga kliyente dahil siguradong pagkakaguluhan lamang ito.
Wala naman siyang napapansing kakaiba sa sitwasyon na meron sila. Everything seems to be working out just fine. He’s still very sweet and romantic. Pero matapos ng gabing pinagsaluhan nila sa shower room ay parang mas naging ma-effort pa ito. Pakiramdam tuloy niya ay araw-araw siya nitong nililigawan.
Ngunit aaminin niyang ilang gabi rin siyang nabagabag ng mga binitiwang salita ni Zharm at ng mama ni Gino. Trying to think of what possibly could they do to ruin their relationship?
Minsan ay naiisip tuloy niyang magsumbong kay Gino at sabihin lahat ng naganap sa party. Pero napapansin niyang masyado na itong nagiging busy sa kumpanya at sa kanya na pag sinabi niya pa ang mga bagay na iyon ay baka lalo lang magpakumplika sa sitwasyon at lumaki pa ang mga issues.
Besides, naniniwala siya na walang paraan para mapaghiwalay sila ng mga ito. Ang mahalaga ay mahal nila ang isa’t-isa. For her, that’s all that matters…
Gino: Babe, kelangan ko nanaman palang pumunta sa Cebu this coming thursday… May mga trabaho kasing dapat nanamang ayusin dun sa area eh… Baka kelangan ko na ring pumunta sa mga nearby provinces dun para maikot ko na rin yung iba pang mga properties…
Kasalukuyan silang nasa condo at katatapos magdinner nang mabanggit nito ang bagay na ‘yon.
Mikay: Ilang araw ka don?
Gino: Mga dalawang araw lang siguro… But that depends kung ano mang makita naming mga problema sa ibang properties sa mga probinsiya.
Mikay: So hindi ka sigurado kung hanggang kelan ka talaga don?
Napasimangot na siya…
Gino: Pero pwede ka namang sumama sakin eh…. Take a few days off sa work mo… I think you also deserve a break…
Bumuntung-hininga siya…
Mikay: Gustuhin ko man, hindi talaga pwepwede… May mga naka-schedule na akong meeting with my clients eh…
Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
Gino: Kala ko pa naman maisasama na kita sa susunod kong balik dun… Kung bakit kasi hindi ka na lang mag-resign eh…
Tumayo ito at iniwan siya. Halatang nagtatampo ito. Napangiti naman siya. These are one of the rare moments na may kailangan siyang suyuin. Tumayo siya at agad niyang sinundan ito….
______________________________________
Hindi naging madali sa kanilang dalawa ang muling paghihiwalay ng ilang araw. Pero laging tumatawag sa kanya si Gino. And everynight, they see each other on skype…
Ito na ang pangatlong araw na nasa Cebu ito. Tama nga ang sinabi nitong maaaring mag-extend pa ito roon dahil sa mga iba pang dapat ayusin na trabaho. Maging siya ay patuloy din ang sobrang pagka-hectic ng kanyang schedule. Kaliwa’t kanan ang mga binibigay na kliyente sa kanya.
It’s not that she’s complaining. Gusto rin niya talagang maging busy in that way ay laging occupied ang kanyang isipan. And lately ay natutuwa ang kanyang boss dahil dumadami na ang nakokontrata niyang mga kliyente. Pakiramdam tuloy niya ay unti-unti na siyang may napapatunayan sa sarili.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake
Hayran KurguMikaela or Mikay, as what friends call her, grew up a spoiled brat with a silver spoon in her mouth. Her mom died when she was still young. Having been an only child, she has always been daddy's little girl. At the age of 21, she still enjoys a care...