CHAPTER 5: The Punishment

51.6K 465 21
                                    

Inis na inis si Mikay. Ni wala sa isip niyang mangyayari ang lahat ng 'to. Siya?! Bilang isang Personal Assistant ni Gino Dela Rosa?! Akala niya magiging madali ang lahat. Iba pala 'pag nasa sitwasyon ka na.

Narinig niya ang usapan ni Gino at Mr. Anand kanina nang nagpaalam siyang pupunta sa restroom. Nasaktan siya sa sinabi ng huli. Sirang-sira na ang pangalan ng kanyang ama. Dahil lang ba ito sa paghihiganti ni Gino sa kanya?

Nakita niya ito kanina na mukhang sarap na sarap sa niluto niyang mechado at parang tuwang-tuwa pa. Pero nahihirapan siyang pakitunguhan ito. Mas gugustuhin pa niyang maging masungit na lang si Gino. Dahil alam niya, deep down inside her, she just can't resist his charm parang katulad pa rin nung dati. At alam niyang hindi tama... Hindi dapat...

Ayaw niyang muling mahulog ang loob dito. Tama na ang minsang pagkakamali...

___________________________________

Sa mga sumunod pang araw, napansin niyang laging mainit ang ulo ni Gino. Lagi itong may mga kausap sa skype na kung sinu-sinong tao. Pero halatang matataas na mga tao ang kausap nito. Halos hindi niya maintindihan ang mga pinag-uusapan nila. Pero tiyak siyang tungkol sa pera. At bilyong-bilyong pera na halaga.

Ang laki na nga talaga ng pinagbago ni Gino. Nung magkasama pa sila sa New York nun, kasalukuyan pa lang nitong tinatapos ang pag-aaral. Ngayon, parang ang taas-taas na nito. Nahiya tuloy siya sa tinapos niya. Sinayang niya ang mga pagkakataon na kung saan ay nangarap pa sana siya ng mas mataas...

Gino: Mikay! Mikay!

Mikay: S-Sir?...

Gino: Bakit ganito ung pinagawa ko sayo?! Andaming typographical errors! 

Mikay: Huh? Ganun ba?... Hindi ko na kasi nire-check eh dahil nagmamadali kang kunin. Pero understandable naman na yang mga typo errors na yan eh.

Gino: Understandable?! Alam mo ba kung sino ang mga taong magbabasa nito?! Ang higher boards sa New York! Mas mataas pa sa posisyon ng tatay mo! And you just expect me to explain to them that the one who made this is incompetent!

Nasaktan si Mikay sa tinuran nito. Lagi na lang ganito. Lagi siyang binubulyawan. Akala niya mas makakaya niya pag masungit ito sa kanya. Pero bakit ganon? Bakit ang sakit sakit habang pinapagalitan siya nito.

Mikay: Uulitin ko na lang siya, sir. Tutal madali lang naman i-edit at meron namang copy sa flashdrive.

Gino: Sana nga ganun lang kadali ang lahat, Mikay. Pero 'wag mong sanayin ang sarili mo na sa twing magkakamali ka eh i-eedit mo na lang. Pano kung hindi na pwedeng i-edit?!

May kahulugan ang sinabi ni Gino na 'yun. Pinaparinggan ba siya nito tungkol pa sa ibang bagay?

Mikay: Pwede namang i-edit tong mga papeles na 'to eh. Ako nang bahala.

Narining niyang bumuntung-hininga ito. 

Gino: Tapusin mo agad yan at kelangan ko pang i-fax.... Saka pagtimpla mo na rin ako ng kape.

Laging ganun ito. Patimpla ng patimpla ng kape. Nakakailang-tasa ito sa isang araw. Gusto niya itong pagbawalan. Pero ano namang karapatan niya. Laging mukha itong pagod, puyat at may problema.

Kapag ganoon ito sa New York noon, kadalasan ay pinaglilingkuran niya ito. Minamasahe niya, pinagluluto, at sinusubuan pa niya kung minsan. Parang baby ito 'pag gustong magpa-alaga sa kanya.

Gino: Mikay! Bakit ganito tong kape?!

Grabe naman! Parang hindi makaanak na pusa ito sa sobrang init ng ulo.

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon