CHAPTER 13: Like Nothing Happened...

52K 438 27
                                        

Naalimpungatan si Mikay sa matinding sikat ng araw na tumatama sa kanyang mga mata. At sa pagmulat niya ay lumingon agad siya sa kanyang tabi. Ngunit wala na si Gino doon. Agad siyang bumangon at doon niya napansin na tanging ang kumot lang pala ang tumatakip sa kanyang kahubdan. Pilit niya itong itinapis sa kanyang katawan.

Luminga siya sa kabuuan ng kwarto. Napakaliit lamang nito. Ngunit napuna niyang tila kumpleto ito dahil mayroon pang closet at sariling banyo. Gawa ang cottage sa tila isang mamahaling klase ng kahoy. Sa dako pa roon ay napansin niyang may maliit na verandah. Dahan-dahan siyang tumungo roon sa pag-aakalang may mga tao sa labas.

Ngunit sa pagsilip niya ay tumambad sa kanya ang kulay asul na karagatan at napakaputing buhangin. Dito rin niya napagtanto na wala nang ibang cottage roon maliban sa kanyang kinatatayuan. Parang wala siya sa isang resort kundi nasa isa siyang paraiso...

Nilanghap niya ang hanging samyo ng karagatan. Gusto niyang pumikit at damhin ang kapayapaan na kanyang nararamdaman. Ngunit natatakot siyang sa kanyang muling pagdilat ay mawala ang lahat ng kanyang pinagmamasdan. Kung panaginip man ang lahat ay ayaw na niyang muling magising pa.

Ilang sandali ring nagtagal si Mikay sa ganoong posisyon. Napapitlag na lamang siya nang may magsalita mula sa kanyang likuran...

Gino: Napakaganda 'di ba?

Nilingon niya ito at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Hindi pa rin niya mabasa ang emosyon nito. Pinili niyang hindi ito pansinin at muling ibalik ang tingin sa karagatan. Bigla siyang nailang sa kaalamang wala siyang ibang suot maliban sa kumot.

Gino: Binili ko 'to nung panahong kararating ko galing New York. And what's cool about this is that no one knows I own this place. Just like a secret hideout...

Mikay: Pero parang napakalayo nito sa kabihasnan. San bang lugar 'to?

She said that without looking at him. She just can't bear holding his stares na hanggang ngayon ay ramdam niyang ginagawa pa rin nito.

Gino: Mahalaga pa ba kung nasan tayo, Mikay?...

Bigla siyang napalingon sa sinabi nito.

Mikay: Gino! Kelangan kong makausap si papa. At 'di ko magawa 'yun dito dahil walang signal!

Narinig niyang napabuntung-hininga ito.

Gino: Nakausap ko na siya kanina. Nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. At naniwala naman siyang nasa maayos kang kalagayan.

Mikay: Pano mo nagawang tawagan si papa eh wala ngang signal dito?!

Pakiramdam ni Mikay ay mas madali ang sumigaw. Sa ganoong paraan ay tila natatakpan niya ang kanyang tunay na nararamdaman.

Gino: Galing akong bayan kanina. Dalawang oras din ang layo mula dito...

Mikay: Eh di sana ginising mo man lang ako 'di ba? Para naman nakasama ako!

Gino: Sinubukan naman kitang gisingin eh...

Mikay: Imposible! Pano ka ba manggising? Pabulong? Ang sabihin mo sinadya mong 'di ako gisingin para 'di ako makasama!

Gino: 'Di totoo yan! Ang tagal pa nga kitang hinahalik-halikan kanina eh! Kaso para kang mantika kung matulog...

Tipid ang ngiti nito sa kanya.

Mikay: Alam mo, ang bastos mo talaga!

Gino: Bakit wala namang masama sa ginawa ko ah?! 'Yung mga halik ko pa nga ang alarm clock mo dati 'di ba?

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon