CHAPTER 45: Covering The Secret

47K 427 44
                                    

Mike: Oh my God! Oh my God! How the heck did that happen?! Mikay! How was it even possible?!

Naisipan na niyang tawagan agad si Mike nang makaalis na si Julia. But she made sure Gino will not hear any of it kaya nagkulong siya sa kanyang kwarto.

Mikay: Well, you know how it is to make a baby, right?

Mike: Mikay, I am so not joking! Bakit wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari?! Mikay, sigurado ka ba na same Gino lang ang pinag-uusapan natin dito? ‘Yung lalaking nang-iwan sa ‘yo?

Mikay: Oo nga! Ang kulit mo naman eh! Like I’ve said we had an affair, okay? At walang nakaalam…

Mike: When did it start? This time, tell me the truth…

Mikay: Uhm… Two months ago…

Mike: Two months ago?! Mikay naman! Agad-agad?! Nakita mo lang siya, bumigay ka nanaman?! Nasan na napunta lahat ng mga pasakit na naramdaman mo nang dahil lang sa kanya ha?!

Mikay: Mike, kahit sermunan mo pa ako ng ilang ulit… wala na tayong magagawa pa… andito na to eh…

Mike: Kala ko ba mahihirapan kang magbuntis dahil sa hormonal imbalance mo?

Mikay: ‘Yun din ang akala ko eh… Pero ‘di ba sabi naman ng doctor nun, underweight lang daw ako kaya ako may imbalance nun… Eh naisip ko, normal na ang weight ko ngayon at regular na rin ako, kaya siguro nabuntis na ako…

Mike: At ngayon mo lang talaga ‘yun naisip? Hindi mo man lang ba naisip ang posibilidad na pwede ka ngang mabuntis habang gingawa niyo ‘yon?

Mikay: Eh akala ko kasi gaya pa rin ng dati… Wala naman kasi kaming gingamit dati eh…

Mike: Ay naku, Mikay! Maraming namamatay sa maling akala!

Mikay: Ano? Sermon nanaman?

Napabuntung-hininga ito.

Mike: Ilang months na yan?

Mikay: Two…

Mike: Two?!! Jusme! Teka! Two months ago na ‘yung pumunta tayo sa Mt. Pulag ah! Wag mong sabihing….

Mikay: Oo, dun nga…

Mike: OMG! At sa tent pa talaga kayo nakabuo! My gosh, Mikaela!

Hindi na niya alam kung matatawa ba siya o mahihiya sa reaksyon ng kanyang road manager.

Mikay: What are we gonna do, then? Pano na mga projects ko?

Hindi agad ito nakasagot.

Mike: If I’m going to review all your contracts, wala naman akong nabasang bawal ka munang magbuntis.

Mikay: Yeah, I’m pretty much sure wala pa akong napipirmahang kontrata na may ganung condition…

Mike: Ganito na lang… I’ll just talk to your manager muna… Then, I have to advise you na wag ka na lang munang bumalik dito sa Pinas…

Mikay: What?!

Mike: That’s the best advice I can give you! Para maiwasan mo ang mga intriga dito at the same time jan mo na rin ipanganak yang baby…

Mikay: Pero mag-isa ko lang dito!

Mike: Mag-isa? Come on, Mikay! Nalaman ko kay Seth na nasa New York daw si Gino… Ano ‘yun coincidental?

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon