CHAPTER 63: Crazy

42.1K 425 35
                                    

Dahan-dahang inililipad ang kanyang mahabang buhok ng banayad na bugso ng hangin na nagmumula sa karagatan… habang nakaupo siya sa buhanginan sa may dalampasigan at hinahayaang mabasa ng tubig ang kanyang mga paa…

Sa ‘di kalayuan ay natatanaw niya ang asawa na may kausap na isang tauhan sa isla… It’s still the day of their wedding at nang matapos nga ang reception ay agad na silang dumiretso sa private island nito. Sumakay sila sa helicopter nito dahil sinadyang may ipinatayong helipad sa isla…

This is the same island na pinahiram ni Gino sa kanila dati to have their shooting for Diwata… Ang isla na ito ang lugar kung saan muling nagtapat ang asawa na mahal pa rin siya nito… And this is where he promised that he’d win her back… At higit sa lahat dito rin sila nagkaayos some years back… Kung saan namalagi sila sa isang tent at kung minsan naman ay sa nakadaong na yate…

Tumingin siya sa likuran at pinagmasdan ang napakagandang villa… Wala pa ito nung mga panahong iyon… The whole surrounding before was deserted. Pero ngayon, napakalaki na talaga ng pinagbago… But for her, it still looks like a paradise…

“Excuse me po, mam… May mahalaga lang po sana akong tatanungin?”

Isang tauhang lalaki ang lumapit sa kanya.

Mikay: Ano po ‘yun?

“Nangangailangan po kasi sila sa aming bahay ng konting kahoy para pananggalang lang po sa aming bubungan. Gusto ko lang po sanang tanungin kung maaari po bang mamutol ng ilang kahoy dito sa isla?

Mikay: Saan po ang bahay ninyo?

“Sa kabilang isla pa po. Kaya lang po ay nangangamba ang aking asawa na baka raw po mailipad ng malakas na hangin ang aming bubungan… Kaya kung papayag po sana kayo mam baka pwede lang po sana makaputol ng konting kahoy…”

Mikay: Ah… Eh… Hindi mo ba natanong ‘yung Sir Gino mo tungkol sa bagay na ‘yan? Kasi siya lang naman ang nakakaalam dahil pagmamay-ari niya ‘tong isla…

 

 



Gino:  Pag-aari mo na rin, Mikay…

Napalingon siya dito.

Mikay: Huh?

Gino: Lahat ng mga bagay na pag-aari ko, pag-aari mo na rin… you’re my wife now…

Seryoso lang itong nakatitig sa kanya.

Mikay: P-Pero hindi ko alam kung paano ko dedesisyunan ang bagay na ‘to… Baka…

Gino: You already have a decision… Nangangamba ka lang kung magugustuhan ko…

Matagal bago niya binawi ang tingin dito… Saka na lang niya muling ibinaling ang pansin sa tauhan…

Mikay: Kuya, hindi niyo na po kailangang mamutol ng puno… Ako na pong bahala sa pagpapagawa ng mga dapat ayusin sa bahay niyo...

Nagliwanag ang mukha ng tauhan.

“Talaga po, mam?!”

Bahagya siyang tumango.

“Naku! Maraming-maraming salamat po!... Sir, napakabait naman po ng misis niyo! Maraming salamat po ulit, mam!”

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon