02: Salmon's Here
I stared at the letter in my hand, and sighed. Nakatatawa dahil ang lakas ng loob kong magsulat ng ganito— hindi ko naman matapos. Isama pang wala naman akong planong ipakita sa'yo ito.
It's cold, Salmon.
I closed my eyes, and wrapped myself in a comforter. Imissed his warmth. I missed the way he did this things for me, and wrap me in his arms after. I missed the way he laughed at me whenever I get mad at him for unwrapping himself.
I miss you.
Natulala na naman ako. Ingay lang ng movie sa harap ko ang naririnig pero wala namang pumapasok sa utak ko. Sabi niya kasi ay sabay naming tatapusin ito, tapos ngayon ako na lang mag-isa. Hindi ko alam kung may gana pa ba akong tapusin ito lalo na't nasa isip ko na hindi na kita makakasamang tatapos.
Malakas akong bumuga ng hangin at bumangon. Inalis ko ang comforter na nakabalot at ang salamin na suot. Bahagya ko pang nasipa ang baso sa paanan. Nananakit na ang ulo ko dahil na rin sa ilang buwan kong abnormal na pagtulog. Kung nandito siguro siya, pagagalitan na naman ako.
Ay, mali. Galit na nga pala siya sa akin.
I deactivated all my accounts so I would not hear anything about him. And I succeeded. Akala ko nga ayos na pero nang nakita ko siya kahapon sa supermarket... back to zero. Sabi ni Ate may papalit na bago, pero paano kung ayaw ko ng bago? Paano kung siya lang ang gusto ko?
I shook my head at my corny thoughts.
Nilunok ko ang laway at bumangon na nang tuluyan. Lumabas ako ng kwarto, at kasabay no'n ay ang pagtunog na naman ng Amnesia ng 5SOS. Walang gana ko iyong hinablot sa sahig dahil alam ko namang si Ate lang iyon, pipilitin akong lumabas.
Ayaw na ayaw kong nabubulok sa bahay noon, pero ngayon ay ayoko nang lumabas. Hindi ko na kasi siya kasama.
"Hello?"
"Ano ba? Kanina pa 'ko tawag nang tawag! Kung hindi mo pa sinagot 'to, pupuntahan na sana kita!"
Ay galit.
Napairap ako sa hangin at lumabas ng maliit kong balkonahe. I leaned on the railings, and admired the cold, dark street
"Ayokong masikatan ng araw, Ate," naiinis kong sabi.
"Kaya nga gabi tayo lalabas!"
I rolled my eyes at her joke. "Ayoko pa rin." Was that even a joke? Nevermind.
"Mamili ka. Lalabas tayo ngayon, o pupuntahan kita?"
I could imagine her having her hand on her waist as if I was in front of her. Napaisip ako sa sinabi niya at inilibot ng paningin sa apartment ko. Empty cups of noodles are scattered everywhere. My mountain-like dishes in the sink, stinks. Bottles of empty cola, and plastic of chips were sorrounded by ants... no, she couldn't come here.
Ayokong umalis dito.
Salmon, what should I do?
A breeze of air blew on my face. I grimaced, and took that sign.
Napapikit ako. "Fine."
"Yes!" she shouted. "Wear your most sexy dress, and we'll go shopping, clubbing, everywhere!"
Walang sabi kong ibinaba ang telepono. I looked myself in the mirror. I saw a pale woman, wearing a grey pajama, and a pink pull-over with a hole on the arm side. She had her long, brown hair on a messy-messy bun. She looked dumb.
BINABASA MO ANG
Salmon
Romance"It was perfect. Everything was perfect." I giggled with no humor, and looked away when I noticed his stares. "But I had to ruin it." Forgiveness was what she wanted. When she met someone on the way, her fear of the history to repeat itself awaken. ...