05: She Tricked Me!
Sa loob ng apat buwan— na nalaman ko kay Ate, hindi ko inaasahang ganoon katagal akong naglagi sa apartment. I was too focused on locking myself that I didn't notice what was happening around me. I didn't have any idea what to expect outside when I got out for the first time.
Daig ko pa ang bagong silang na inilabas sa mundo, ngunit sa lagay ko—may malay ako at hindi ko ito gusto. If I would be given a chance to go back where I came from, I would. I would give my all just to stop my mom from giving birth to me.
Sa pag-iwas ko sa mga tao, kasama roon ang pag-iwas ko sa cellphone. Ayokong makarinig ng balita tungkol sa kaniya, sa kanila. Sinadya kong magbago ng number para si Ate lang ang makahahanap sa akin.
Our friends didn't check on me, because... well, technically, they're just his friends. I was outgoing before I met him, but my real friend was just my Ate.
Lahat ay acquaintances lang.
Ayos lang naman. Baka rin hindi ko lang sila maharap kapag binisita pa ako.
I rolled on the right side of the bed, and rolled again. I had nothing to do... again. My life became monotonous, I was alive, but I didn't feel like it.
Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga ko na ito bago ako tumayo. Balot na balot ako ng kumot nang bumangon ako at dumiretso sa kusina. Katatapos ko lang makipag-away sa sarili ko kanina, at ngayon ay manonood na naman ako.
Ang boring mabuhay.
Pilit kong binitbit ang dalawa pang cup noodles, at ang box ko ng cookies. Kumuha na rin ako ng coke sa ref para hindi na ako tatayo habang nanonood. Wala naman akong plano ngayong araw kung hindi samahan na namang kumain si Ate.
Simula nang nalaman niyang nagpunta akong library mag-isa, at simula nang napilit niya akong sumama sa kaniya sa club. Parati niya na akong pinagbabantaan para sumama sa kaniya.
Ayokong lumabas!
But look what I was doing. Three consecutive days na akong lumalabas ng bahay. Wala namang nagbabago bukod sa lalo lang akong napapagod. Hindi na tuloy ako nakakain kahit cup noodles sa gabi kasi tinatamad ako.
Inilagay ko sa maliit na lamesa katabi lang ng kama ko ang mga pagkain. Muntik pa akong matumba dahil sa cup ng noodles na nagkalat sa ibaba. Bahagya kong sinipa iyon at bumalik sa pagkakaupo.
I glanced at my phone and saw that it was just 3 in the afternoon. 7 pm pa naman ang usapan namin, hindi ko kailangang magmadali. Basta nasa tamang oras dahil nakikita ko naman ang effort ni Ate na ibalik ang dati, I didn't want her to think I am not okay.
Halos mag-iisang oras na akong nagb-browse ng mapapanood. It was always my problem. Mas mahaba pa ang oras ng pagpili ko kaysa ang panonood. Alam ni Salmon iyon. Kaya nga dati lagi siyang may dalang listahan, at iniisa-isa na lang namin iyon.
I found the recent, and last list we tried to watch kaso ay natapos ko na lahat. Mag-isa nga lang. Wala atang araw na hindi ako nanood... o umiyak sa loob ng ilang buwan.
My eyes hurt on browsing, but I didn't care. I needed to watch... something... anything.
Nakahinga ako nang maluwag nang makahanap ako ng panonoorin after one hour and thirty minutes. Maikli lang ito at matatapos bago ang alas-singko.
My mind wandered when the male lead pursued the woman. Siyempre marupok ang babae kaya nagpasuyo agad. I just didn't like the way she jumped into conclusions. Her feelings were valid, but that didn't mean her actions were appropriate.
Well, who was I to judge? Siguradong pipitikin na naman ni Salmon ang noo ko kapag narinig niya ang pinagsasabi ko.
"She's in pain, babe. Sometimes we don't know what we're actually doing, we just know it hurts."
Napanguso ako sa sinabi niya. Nagagalit kasi ako sa mga life decisions ng bida, nakakasakit na siya masyado.
"Pero nasasaktan na 'yung kaibigan niya," giit ko.
"At nasasaktan din siya." Salmon smiled. "Hindi ko sinasabing tama ang desisyon niya, but they're both hurting. Siya naman ang nagdedesisyon, siya na ang bahala sa consequences. However, she doesn't deserve to be judge by thinking what's best for her."
Lalo akong ngumuso. "Hayaan mo na nga, movie lang naman 'to."
I giggled when he chuckled and kissed my temple. "It's just a movie, but there are situations similar to that in real life. Huwag tayong judgemental," he said softly.
That's when I realized I was lucky to have him. I was so lucky because I had him.
Nang matapos ang movie ay tumayo na ako. Diretso na sana ang tungo ko sa banyo nang maramdaman kong nagvibrate ang cellphone. It's a text from Ate.
Ate:
Wear one of those I bought. I want to see you wearing one of them, pleaaaaaseee.
Napailing na lang ako at ibinalik ang pajama sa aparador. Kinuha ang simpleng pull over na puti, at tennis skirt na itim. Matapos maligo ay hindi na ako nag-ayos ng mukha. Damit lang naman ang gusto niyang makikita. Sigurado rin akong tuyo na ang contact lense ko kaya hindi na ako nag-abalang alisin ang salamin.
Medyo naninibago man dahil mas sanay na ang hita kong nakabalot. Bumuga ako ng hangin. Hindi na ako nag-inarte at muli na lang naglakad. Suot ko ang itim kong salamin, at nakalugay ang kulot na buhok. Malamig ang hangin ngayon sa downtown pero ayos lang. Saglit lang naman ito.
"Good evening, Ma'am," nakangiting salubong ng waitress. It was the same waitress from yesterday.
"Ingrid Ravena."
After telling my sister's name, she guided me towards a table— different than the last time. Umangat ang kilay ko nang may makitang puting paper bag doon. Saktong 7 ako dumating, I did not expect her to be early, lalo na at nasa trabaho ata siya.
Dahil cellphone lang naman ang dala ko— libre niya naman palagi, iniangat ko iyon. Akmang magt-type na ako para hanapin siya nang may magsalita mula sa likuran ko.
"Grid, sorry nagcr ako. Nasaan si K—"
Before he could finish his sentence, I turned around. Umawang ang labi ko nang magkatinginan kami ng lalaki. We both have our eyes widened, bahagya ring nakaawang ang labi niya. He was wearing a white button-down shirt. His hair was up, kaya kita ang noo. Pero hindi iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.
Kilala niya si Ate...
"Hello?" he greeted with an awkward smile.
When he offered his hand, I completely lost it. Without a second thought, nagmamadali kong nilabas ang restaurant at tumatakbong bumalik sa apartment. Hindi ko alam kung alam niya bang hindi si Ate ang nandoon o ano, but I was so sure about one thing...
"I should set you up with someone, then."
Huling labas ko na 'to, Ate!
She tricked me!
BINABASA MO ANG
Salmon
Romance"It was perfect. Everything was perfect." I giggled with no humor, and looked away when I noticed his stares. "But I had to ruin it." Forgiveness was what she wanted. When she met someone on the way, her fear of the history to repeat itself awaken. ...