03: I Can't, Salmon

5 0 0
                                    

03: I Can't, Salmon

   Jusko naman! Para namang ayaw  niyang lalabas ako. Palagi ko na lang nakikita— multo ba 'to?

   Halatang nagulat din si Ate kaya hindi nakagalaw agad. Naabutan niya ako sa loob na ng kotse. Tahimik siya buong byahe at pa-sulyap-sulyap sa akin. Ayos lang naman ako. Choice ko naman hindi magmove-on, so why bother na magdrama?

   Nakakasira naman ito ng ulo.

   Inihatid niya lang ako sa pinagsunduan niya kanina. She tried to win her luck on going to my place, but of course, I didn't let her. Ayoko nga. I even blackmailed her para lang pumayag na hindi na pumunta sa lugar ko.

   Isusumbong lang ako noon kay Mama kapag nakita niya iyong mga kalat ko. Hindi naman ako tinatamad— fine! Tinatamad ako magligpit kasi. Dalawa ata o tatlong buwan, ewan basta  buwan, akong nakakulong doon, mabuti na lang ay pinayagan akong magresign ng boss ko sa tulong na rin ni Mama.

   "Ay hindi po. Good influence lang ako."

   Humalakhak si Ate sa tabi ko matapos iyong sabihin ni Salmon. I rolled my eyes at his direction, but the smile on my lips didn't waver. Pati si Mama ay napatawa niya, grabe naman. Idol.

   Tumayo ako nang mapansing komportable na siya kila Mama, naramdaman ko ang pagsunod ni Ate sa akin hanggang sa kusina. With a smile on my face, I poured water on my glass. Nakita ko pang sumandal si Ate sa ref.

   "He seems a great guy."

   Napangiti ako lalo. "He is."

   Hinaplos ko ang sariling buhok nang bumalik ako sa katinuan. Kahit saang sulok ako lumingon, siya ang nakikita ko at hindi ako nagrereklamo. Gusto ko pa siyang makasama kahit alam kong masasaktan ako... kahit parang hindi na ito totoo.

   Isang araw matapos ko siyang makita sa club ay hindi na muli ako lumabas. Sinubukan kong ligpitin ang mga kalat ko pero wala talaga. Medyo nagtakha pa nga ako dahil hindi tumawag ngayon ang Ate ko, pero nang  nagtext naman siya ay hindi na ako  nag-alala.

   Sinubukan kong tapusin ang pinanonood ko noong isang araw, ito tuloy ako ngayon— mukhang tanga, hindi ko naman kilala pero iniiyakan  ko. Pero mas ayos na rin ito kaysa umiyak kasi naalala ko na naman siya.

   Sinipag akong magpakulo ng tubig ngayong araw kaya naman hindi lang tinapay at kape ang kinain ko— noodles ulit. Tinatamad pa nga akong maligo kaso ayoko namang isipin ng makakakita sa akin na wala na akong buhay— kahit wala namang nga pala akong planong lumabas kaya pinilit ko pa ring bumangon. Iniisip ko na lang na ma-t-turn off siya kapag nakita niyang wala akong ligo.

   Dahil hindi naman lalabas, nagsuot lang ako ng pajama at malaking t-shirt ko. Ubos na iyong t-shirt mo eh, tinatamad pa akong maglaba. Kahit basa pa, itinali ko na ang buhok at pabatong inihiga ang sarili sa kama.

   Ano nang gagawin ko?

   Pinunasan ko ang matang nag-uumpisa na naman at pilit na bumangon. Mariin akong suminghap. Hinanap ko ang cellphone na nakalimutan ko na naman kung saan ko ibinato para mailibang ang sarili. Dapat pala ay hindi ako nagresign para may nagagawa ako kahit paano.

   Nang hindi mahanap ay akmang hihinto na ako at haharapin ang laptop nang umalingawngaw ang Amnesia mula sa balkonahe. My eyes literally widened when I saw where it was placed. Sa mismong railings!

   Bilog pa naman ang railings ko.

   "Hello?"

   "Tara, gala tayo."

   Napairap ako. Ito na naman siya. "Ate—"

   "Kailan ka huling lumabas?"

   Kumunot ang noo ko. "Noong isang gabi, kasama ka—"

SalmonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon