04: Salmon, Should I Move On?
Wala na naman akong magawa. Ganito na lang ba palagi? Iisipan ko siya, iiyak ako, tatawag si Ate, iisipan ko siya... tapos iiyak ulit ako.
Pero hindi ko kayang hindi siya isipin eh. Lalo na at alam kong kasalanan ko lahat kung bakit wala na siya sa'kin.
My sister told me to forgive myself, but how could I? When I knew he could not forgive me himself. Kasalanan ko talaga, pero ako ngayon itong nag-iiyak-iyak dito. Pa-victim ba ako masyado?
Tumayo ako, pinunasan ang luha at isa-isang inilabas ang laman ng tote bag na basta na lang iniabot ng Ate ko kagabi. Kaya pala dalawang malaking-malaking bag ang dinala ay dahil tig-isa kami roon.
Ang bait ng Ate ko, Salmon... sana ako rin.
Para malibang, isa-isa kong inilabas ang mga damit na hindi ko naman nagalaw kagabi. Masyadong marami iyon at hindi ko naman alam kung saan ko isusuot pero para malibang ako nang hindi nagc-cellphone, isinalansan ko nang maayos ang mga damit sa aparador na halos wala nang laman dahil lahat ay nasa labahan.
I put all the oversized shirt in the mini drawer you gave me. Iyon ang nakikita kong pinaka-marami. Nakita ko rin doon ang pulang tube, at puting puff-sleeve dress na hawak niya kahapon. Mayroong dalawang jumpsuit, at mayroon pang bikini.
She definitely knew me, Salmon.
Ang sabi niya ay may pasok siya ngayon, pero gusto niyang magdinner kaming dalawa mamaya. She insisted it to happen at my house, but of course ayoko. Sabi ko ay roon na lamang malapit sa library para hindi na ako b-byahe.
Nang makitang alas-singko na nang hapon, naligo na ako at nagbihis. I chose to wear a black oversized shirt with a print in front, at pink na pajama. Hinayaan kong naklugay ang sabog kong buhok at hinubad ang salamin bago muling humilata sa kama.
Napabuntong-hininga ako nang wala na namang laman ang utak ko kung hindi siya. I wiped my tears and exhaled as loud as I could. I didn't have a choice but to remember all the memories we've had everytime I had nothing to do. Hindi bale nang hindi na mauulit, basta nawawala 'yung sakit kahit saglit.
Naalala ko pa noon, late ako sa date natin dahil may hinabol akong deadline. I cancelled our date kahit na alam kong nandoon na siya, pero ayoko naman kasing umasa siya na darating pa ako kahit hindi.
"Kumain ka na?"
I held my chest in shock when I saw him in my apartment. I knew I gave him keys, but what the— nanggugulat naman ito!
Inaasahan ko na ang inis mula sa kaniya, at sumbat dahil ilang beses ng nangyari ito pero hindi iyon dumating. Instead, he pulled me closer to him, kissed my head, and guided me to the kitchen.
Lord, ano po bang maganda kong nagawa noon at parang paborito mo ako?
My mouth watered when I saw different dishes in front of me. Nakalimutan kong Culinary student at professional chef nga pala ang boyfriend ko.
"Bakit hindi ka pa kumakain?"
My mouth was still full when he asked that question. Punong-puno tuloy ang pisngi nang humarap ako sa kaniya. I caught how he glanced at my cheeks, and looked away while stifling a smile. Muntik na akong mapangiti nang padaanin niya ang dila sa labi at pilit pinagsalubong ang kilay bago humarap sa akin.
Lumunok ako. "Galit yarn?"
Humalakhak ako nang unti-unting nawala ang pagsasalubong ng kilay niya. He shook his head as he laughed with me, knowing he was defeated.
Natawa ako mag-isa at pinunasan ang luha. Miss na miss na kita, Salmon.
Sa kaiiisip ko ng kung ano-ano ay hindi ko namalayang 6:30 na. Para maibalik naman kahit paano ang kabaitan ng Ate ko, maaga akong umalis at katulad ng inaasahan ay wala pa nga siya. Nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ba ako sa loob, o hihintayin na lang siya pero nasagot ang tanong ko nang makitang walang tao sa paligid. Nakahihiyang maghintay sa labas.
When I entered the restaurant, I caught how the waitress glanced at my attire pero hindi ko na pinansin. Matapos banggitin ang pangalan ng Ate ko ay iginiya niya na ako sa may gilid. Thankfully, my sister reserved us a spot.
The light inside screamed elegance. Maganda pa ang puwestong napili ni Ate. Sa loob pa rin ng restaurant pero salamin ang katabi namin. Tanaw na tanaw ko tuloy ang parke sa gilid lamang nito. Mabuti na lang at hindi ako bitter, kung hindi ay kanina pa ako sumigaw ng 'walang forever' sa mga couple sa labas.
"Sorry, I'm late, matagal ka bang naghintay?"
Nag-angat ako ng tingin ng dumating ang Ate ko. She was wearing a white button-down shirt and a slacks. Her formal attire suited the formal ambiance of the place. Hinintay ko siyang matapos sa paglapag ng mga bag na dala sa tabi niya bago ako nagsalita.
"You're not late. Maaga lang ako," I answered, glancing at her bags.
She beamed widely. "How's the clothes? Tiningnan mo ba? Sinukat mo ba?"
Napatitig ako sa kaniya at seryosong nag-iwas ng tingin. "They're..." I didn't want to hurt her feelings, but I really have nothing to say, "fine." I smiled a little.
Lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko. "Do you want me to come to your place para sabay nating maisukat? Pati 'yung akin?"
I laughed sarcastically. "Nice try, but... no."
Kaya ko namang magsukat mag-isa. At isa pa, makikita niya lang ang mga kalat ko roon.
She pouted. Akmang magsasalita siya nang dumating na ang pagkain kaya pareho na kaming huminto. Tinitigan niya lang ang mga pagkain na inilalapag habang ako ay tumitig sa labas. Napatitig ako sa dalawang taong tila nagw-wrestling sa damuhan at napangiti sa sarili.
Ganiyan kami noon... kaso sinayang ko.
"Thank you." Narinig ko si Ate.
Tahimik akong nag-umpisang kumain, ganoon na rin naman siya. After months of depriving myself of real food. Ganito pala ang lasa ng kanin?
Napalunok ako nang makarinig ng tawanan sa labas. Gusto kong maglaho na lang nang makita ko kung sino ang naglalakad papalayo sa damuhan. It was Salmon... and Trisha.
He was smiling at her as if she told him something funny, na hindi ko ata nagawa noon. Maybe, I did... but my insecurities were eating me up. I could have done better.
I gulped to avert the tears.
The way he looked at her gave me some butterflies. That was how he— no... they're different. He looked at me as if I was his world... but, he was looking at her like she was his universe.
Trisha laughed and slapped your arm.
Napayuko ako.
I guess, she was.
"You seriously need to move on."
Nag-angat ako ng tingin kay Ate at nakitang nakatingin din siya sa direksyon nila. I tried to look at their direction too, but wala na sila. It's just the other couples na nandoon din kanina pa.
Umiling ako. "Ayos lang naman ako."
Umirap siya at uminom ng juice. "I didn't say you're not." Itinaas niya ang daliri at itinuro sa akin. "I think... I should set you up with someone."
"Hindi—"
"Right! I know someone."
Muli akong umiling at hindi na nagsalita. What my sister wants, she gets. Mabuti na lang at hindi niya pinipilit na pumunta sa apartment ko dahil alam kong kayang-kaya niya iyon kung pipilitin niya.
I sighed, and looked at the direction where they left. Salmon, should I move on?
BINABASA MO ANG
Salmon
Romance"It was perfect. Everything was perfect." I giggled with no humor, and looked away when I noticed his stares. "But I had to ruin it." Forgiveness was what she wanted. When she met someone on the way, her fear of the history to repeat itself awaken. ...