10: Eyes Open, Close Mind
Mabilis lang natapos ang tagpo na iyon, halos kumain lang talaga dahil may pasok siya. He wanted to stay pero siyempre hindi na ako pumayag. He also insisted na ihatid ako, at doon lang ako pumayag sa takot na makita ko sina Salmon at Trisha.
So far... this month had been good to me.
Kaso ay hindi ko pa rin siya nakakausap, at iyon ang plano... kahit mapatawad lang ako.
Kaiden:
Hey. Wanna eat?
Pagkatapos nang pagkikita na iyon four days ago, ibinigay niya ang number niya. He said I could tell him everything as long as I was comfortable... at hanggang ngayon ay hindi pa rin naman niya kilala si Salmon kaya komportable ako.
I replied,
Ayoko
Wala pang ilang minuto ay nakapagreply na kaya umangat ang kilay ko. Hindi busy ah.
Kaiden:
Sungit, Miss.
Humalakhak ako at tumayo mula sa tamad na pagkakahiga. I didn't reply right away, instead kumuha ako ng damit mula sa aparador. Hindi pa kasi ako nakaliligo. I chose to wear a black oversized shirt and maong short. Knowing him personifying the wholesome that he was, hindi naman ako nito pakakainin sa formal whatever.
Pansin ko lang, mahilig siyang kumain. He's also making sure na kumakain nang marami ang kasama niya.
Kasalukuyan kong hinahanap ang susi ng apartment (na marumi pa rin) nang tumunog ang cellphone kong naka-charge. Kung hindi ito si Ate, malamang ay si Kaiden- I chose to call him that because why not.
"Oh?" I answered.
"G ka?"
"Tinatamad ako eh," I said, already tying my shoes.
"Tinatamad kang kumain?"
"Yeah."
"Pack it up, nandito na 'ko sa labas."
Literal na nalaglag ang cellphone ko sa sahig dahil sa sinabi. Siraulong 'to!
"What are you doing there!?" gulat kong tanong nang damputin ko ang cellphone.
"Hindi dapat kinatatamaran ang pagkain," he said and I could literally hear him chucling.
"Well, I did?" I said in as-a-matter of fact tone. "I survived those four months, baka nakakalimutan mo?"
"Kaya nga pinapakin kita ngayon ang slow mo naman."
Napailing na lang ako at ibinaba ang cellphone. Nang mahanap ang susi, agad akong lumabas ng apartment. From here, I could see his car already. Nasa labas na nga siya at nakasandal sa hood nito. He was wearing a plain pink shirt and comfortable short. Mukhang wala nga talaga siyang trabaho ngayon.
"Wala ka bang madukot na kaibigan sa daan at ako ang iniistorbo mo?" salubong ko.
Natatawa siyang humarap nang marinig ang boses ko. "Meron. Ikaw, ito nga oh k-in-kidnap kita."
"Libre mo 'to," I joked before entering his car.
Umikot muna siya matapos akong pagbuksan. He started his car before turning to me and winked. "Sure."
Tinatawanan ko siya at komportableng sumandal sa upuan. Lost Boy of 5SOS enveloped his car as he maneuvered it forward.
"Saan naman ngayon?"
BINABASA MO ANG
Salmon
Roman d'amour"It was perfect. Everything was perfect." I giggled with no humor, and looked away when I noticed his stares. "But I had to ruin it." Forgiveness was what she wanted. When she met someone on the way, her fear of the history to repeat itself awaken. ...