13: A Chill Day... Or Not?

0 0 0
                                    

13: A Chill Day... Or Not?

   "Para kang bobo."

   Humalakhak si Kaiden sa sinabi ko. Para kasing tanga eh, kung hindi ba naman tanga— yes, paulit-ulit dapat. Tinulak sa akin ang ice cream, alangan hayaan kong tumama sa mukha, edi itinulak ko pabalik. Ayan, mukha siyang bobo na may ice cream sa mukha.

    "May damit ka naman sa kotse mo diba?"

   Tumango lang siya at umalis. I bet magpapalit na ng damit. Napailing ako dahil sayang ang ice cream.

   "Kailan mo ulit balak magtrabaho pala?" tanong niya nang makabalik.

   I pushed my glasses and faced him. Patalikod tuloy akong naglalakad na ikinailing niya. "Hindi ko pa alam, tinatamad pa 'ko eh."

   Tuamango lang siya at hinawakan ang siko ko nang muntik na akong makabangga ng bata. Umayos ako ng paglalakad at nilingon ang batang muntik ko nang madaganan bago bumalik sa paglalakad nang patalikod.

   "Kapag ikaw nakabangga, hindi na kita hihilahin," banta niya na sinagot ko lang ng dila.

   Nandito kami ngayon sa park kung saan ko nakasalubong si Trisha noon. I actually didn't have any idea how I would react when I meet her again, but...  but I didn't know. I just wanted to enjoy.

   "Kapag magta-trabaho na 'ko, ipasok mo 'ko sa inyo," biro ko.

   Kaiden faced me. Sunlight reflecting his brown eyes. "Sige lang. Ano bang posisyon? CEO?"

   Humalakhak ako at sinapak siya sa braso.

   "Ang hilig mo namang manakit," daing niya, hawak ang braso.

   Dahil sa sinabi niya ay lalo ko siyang sinapak. Muntik pa akong matawa nang ulitin ko at umikot siya nang ilang beses para lang makaiwas.

   "Ang extra, boo!"

   Nasa ilang metro na siguro ang layo niya at kailangan pang lakarin o takbuhin. Napailing ako at ipinagkrus ang braso habang pinanonood siyang tumakbo pabalik sa puwesto ko. Dahil hapon na at malakas ang ihip ng hangin, nililipad ang malabot niyang buhok sa iba't ibang direksyon, habang nanliliit ang mata sa kangingiti. Ipinilig ko ang ulo, at umiwas ng tingin.

   Bestfriend ko 'to?

   Nang makalapit siya sa akin ay walang habas niyang iniikot ang braso sa leeg ko. Halos umangat ako sa lupa dahil sa ginawa niya kaya agad kong hinatak ang hood ng asul niyang hoodie at itinaklob sa buong mukha niya. Nang mabitawan niya ako, at mahulog siya sa damuhan ay hindi ko pinakawalan ang hoodie niya at lalo lang iyong hinila hanggang sa halos umabot na sa leeg niya.

   "Idge!"

   Humalakhak ako at akmang lalo pang hihilahin nang makarinig ako ng pagkapunit. Nabitin sa ere ang ngiti ko at nanlalaki ang matang nabitawan ang hood.

   Tiningnan ko si Kaiden at naabutang pati siya ay natigilan sa nangyari. Halos slow-motion ang paligid nang nagkatitigan kami at parehong napatingin sa hood na muntik mapahiwalay sa jacket.

   "What..."

   Muli, nagkatinginan kaming dalwa at sabay na humalakhak. Lumayo ako mula sa kaniya at itinuloy ang paghatak ng hood.

   "Ang rupok!"

   Lumakas ang tawa niya at tumayo.

   Dahil alam ko na ang kasunod nito, walang sali-salita akongtumakbo palayo. He ran faster, and because of my four month stay at home dilemma with no proper physical activities— mas mabilis niya akong nadampot. Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya sa pink kong jacket, nang hindi magawa ay hinubad ko jacket dahilan para maiwan ako sa baby blue spaghetti strap top at puting short. Mas binilisan ko ang pagtakbo, at walang linong-lingong pumasok sa CR ng mga babae.

SalmonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon