06: You Own My Mind
Hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Ate. Bahala siya riyan. I trusted her. I felt so safe going outside with her, but she just...
I sighed.
The sun was just about to set. Gustong-gusto ko talaga ang puwesto rito sa balkonahe ko dahil hindi man malawak, sakto lang para sa amin ni Salmon noon. Sakto lang para mapanood namin ang ganda ng paglubog ng araw.
Napairap ako sa hangin nang muling tumunog ang Amnesia. No, ayokong patayin ang cellphone. Gusto kong malaman ni Ate na hindi ako natuwa sa ginawa niya.
She set me up with a stranger! What if, killer pala iyon? Grabe, Salmon. I didn't expect her to stoop where she really have to set me up with someone— without my consent! Nakakainis!
Nanghinayang lang talaga ako sa nangyari dahil alam kong gusto lang ni Ate ang para sa ikabubuti ko— but, I didn't want that. I didn't want to enter something when I still had him in my heart. Ayoko ng ganoon, Salmon.
I already accepted the fact that it will always be him. Kahit hindi na ako.
Naalala ko na naman ang lalaki kahapon. Hindi ko alam kung may alam ba siya o ano, but the way he had mistaken me as my sister... I think he also got fooled. Nakahihiya naman. Naloko na nga ni Ate, tinakbuhan ko pa.
I know! I knew I was rude, but anong magagawa ko? Sigurado naman akong hindi ako ang inaasahan niya, at sure rin akong hindi niya gugustuhing ako ang makasama sa dinner na iyon. I just... saved him.
Right, Salmon?
He knew that I was only talkative to him. I was not introverted, but masungit ako. I really did not know how... why did he choose me? Bakit ako?
But, seeing him with Trisha, I realized... maybe I was just a phase. I was a side character the male lead will meet along the way, but that's all. That's it. I was the girl whom a part, but not the whole. I was not even the start. Sumingit lang ako sa kanila.
Malakas akong bumuntong-hininga, at humigop ng kape. Malamig ang hapon ngayon, Salmon. "Sana nandito ka," bulong ko sa hangin.
The redness of the sun sorrounding the sky made me feel at ease a little... siya na naman kasi ang naalala ko.
I didn't want to do anything today. I just wanted to sit here. Observe how the red, and happy sun become a cold, and blue moon. I wanted to embrace the beauty of them, while thinking of him.
I want to think of you...
Tumulala ako sa harap habang unti-unting dumilim ang paligid. Nang mag-umpisang mamuo ang luha sa mata ko ay napangiti na lamang ako sa sarili.
They said, a person cries because he/she was tired. As for me... I cried beause I was happy, and I was happy because of him.
Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking baba at inihilig ang noo sa railings. Dinama ang lamig ng bakal sa noo, at tumitig sa mga taong dumaraan sa ibaba. As soon as the sky went dark, I closed my eyes until memories flow like a river.
"Do you remember how we met?"
Napanguso ako at bahayang napaisip sa tanong mo na iyon. "No?" I answered, joking.
Napangiti ako nang naabutan ko siyang sumimangot. Grabe ang pagpipigil kong tumawa nang nakitang namumula ang leeg at tainga niyang.
"You don't remember?"
Hindi ko na napigilan. Humalakhak ako at humarap sa kaniya. Nakakainis naman ito oh!
"Of course, I remember." Umirap ako. "Hindi pwedeng hindi. Ikaw 'yon eh," I said that casually.
Umawang ang labi ko nang lalo siyang mamula. I didn't know how to express my confusion, I just sat there, mouth ajar, brows furrowed, and squinting my eyes a little.
Kinikilig ba 'to?
"Stop!" He put his hand on my face, stopping me from staring at him.
Halos makalimutan ko ang pinagagawa sa opisina dahil sa kaniya. Natawa ako dahil sa ikinikilos niya ngayon— natutuwa. Kasalukuyan kaming nandito sa balkonahe. Ako, nakasandal sa kaniya, siya, nakahilig, at iniipit ako sa gitna ng railings. Ang pulang kulay ng araw ay unti-unti nang dumidilim. Napangiti ako dahil alam kong iniisip niyang ganito rin ang langit noong una kaming nagkita.
"Hindi ko pa rin alam kung bakit kita napagkamalan no'n," mariin kong giit, nanlalaki ang mata.
Mahina siyang natawa kahit namumula pa ang leeg at tainga. "It's fine!"
"Namimili lang din ako, malay ko bang mapagkakamalan kita."
Iyak-tawa ang ginagawa ko rito habang inaalala lahat ng iyon. Tuluyan nang dumilim ang langit kaya rin siguro dumidilim na rin ang pakiramdam ko. Gustong umiyak ng mata ko kaya iyon ang ginagawa ko. Nakatatawa na sa bawat pagngiti ko ay siya ang dahilan, at sa bawat pagtulo ng luha mula sa mata ko, siya pa rin ang dahilan.Miss na miss na kita, Salmon.
"Inggit pa rin ako sa dimples mo," natatawa kong banggit, nakapikit pa rin.
His cute dimples that were waving even though he was not smiling. Kahit nagsasalita lamang ay malalim na tila inihulma para sa kaniya. He was my definition of soft, remembering his bouncy hair, and sparkly eyes.
Walang laman ang isip ko kung hindi siya, kaya paano ako magm-move-on, kung ang utak ko mismo ang may ayaw.
Ganito lang ang ginagawa ko tuwing hindi ko feel maging productive, and that started four months ago. Apat na buwan pa lang naman ang nakakalipas kaya ayos lang na fresh pa ang lahat.
Bakit ganito, Salmon? Ako ang may kasalanan pero bakit ganito ka-sakit? Bakit kahit ako ang may kasalanan, ako ang may lakas ng loob na humiling na sana maulit?
Salmon, I wanted to beg. I really wanted to go to him, and beg on bended knees just get me back, but seeing you with Trisha made me think twice. Masaya na siya, bakit guguluhin ko pa?
I had so many regrets, I wanted to make everything right, but I couldn't! No— not just I couldn't... I was a coward. I felt ashamed and I let it eat me.
I guessed these were all the consequences of my actions— him permanently living in my mind, letting me feel all the guilt.
You literally own my mind, Salmon, and I'm not complaining.
BINABASA MO ANG
Salmon
Romance"It was perfect. Everything was perfect." I giggled with no humor, and looked away when I noticed his stares. "But I had to ruin it." Forgiveness was what she wanted. When she met someone on the way, her fear of the history to repeat itself awaken. ...