08: Genuine Smile
My sister kept on teasing me when she found out I remembered that man's face. Sa ilang buwan kong pagkakakulong, puro mukha niya ang nakikita ko kaya ano naman kung makaalala ako ng bagong mukha.
"Make sure na hindi ka na tatakbo ah?"
Umirap lang ako pero hindi nagsalita. I was in the middle of thinking what should I wear kasi maging presentable raw ako sabi ng Ate kong mabait.
Bumuga ako ng marahas na hangin at kinuha ang kulay abong pull-over at pinaresan ng itim na short. Kanina pa ako nakaligo kaya naman mabilis lang ang naging pagkilos ko.
I tied my hair into a bun before putting my glasses on para makakita. I sighed when I looked at myself in the mirror. Mukha pa rin akong kulang sa dugo. However, after months, ngayon na lang ulit ako nakaramdam nang kaginhawahan sa katawan.
Should I always dress up kahit nasa bahay? I didn't know how to relieve stress anymore!
Katulad noong una ay ala-syete raw sabi ni Ate. She even said na gusto akong sunduin ng lalaki pero syempre hindi na ako pumayag. Jusko, Salmon, kung alam niya lang na hindi ko ito gusto, baka siya pa ang maunang umayaw.
And also, he saw my litters, hindi ba siya na-turn off? Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi pa niya sinabi kay Ate ang tungkol doon... o baka wala siyang pakielam?
That's great, then.
Walang buhay akong bumaba ng apartment nang mapansing 6:48 na. Malamig ang gabi ngayon, Salmon. Palaging malamig dahil siguro malapit nang mag-December... tapos hindi ko pa siya kasama. Ang lamig talaga.
Hindi raw kami sa restaurant na iyon sabi na rin ni Ate— yes, these were all my sister's idea. Alangan sa aming dalawa eh mukha namang ayaw niya rin.
It was Ate Ingrid's idea, sana hindi magtampo si Salmon kung malaman niya ito.
Wallet at cellphone lang ang dala ko ngayon na parehong nasa bulsa ko lang. I didn't usually bring bag with me becuase my pockets can handle these two. Noon ay may isang tint din akong dala, pero nakatatamad magretouch ngayon. Or magtouch, kasi hindi ko naman hinawakan ang mukha ko kanina.
I was not in the mood.
"Over here!"
Umawang ang labi ko at ipinalibot ang paningin. There, I saw him— what's his name again?
Nevermind.
Naglakad ako patungo sa direksyon niya. Nakatayo siya sa ilalim lang ng puno, mukhang katatayo lang mula sa bench na katabi niya. He was wearing a navy blue collared-sweater and a white jeans. His black hair complimented his skin tone well. Nang ngumiti siya ay pansin ko ang pagliit ng mata niya kahit hindi naman siya singkit na singkit. Base on the happy wrinkles on the side of his eyes, he's a happy person.
"You look pretty."
I was taken aback. Naibuka ko ang bibig sa pambungad niya.
Note 2: This man has a sweet tongue.
I just nodded. I actually didn't know what to do. I think I was getting rusty.
Hindi naman kasi ito ang unang beses na nireto ako ni Ate. Bago pa man maging kami ni Salmon, nairereto niya na ako. I gained a skill actually. Ako rin kasi ang ginagawang substitute ni Ate lalo na kapag busy siya.
"Where do you want to go?"
Nag-angat ako ng tingin kay— fudge, sa lalaki. Masasabi kong matangkad siya dahil hanggang balikat niya lang ako, kahit na sinasabi ng iba na masyado akong matangkad. Isa ako sa tampulan ng tukso noon dahil sa height, and it was fine.
BINABASA MO ANG
Salmon
Romance"It was perfect. Everything was perfect." I giggled with no humor, and looked away when I noticed his stares. "But I had to ruin it." Forgiveness was what she wanted. When she met someone on the way, her fear of the history to repeat itself awaken. ...