01: You Know What, Salmon

11 0 0
                                    

01: You Know What, Salmon

  How have you been?

  Teka, erase-erase, ang formal masyado. Hindi bagay sa'kin... sa'tin.

   Ilang araw na ba? I mean, buwan. Ilang buwan na rin nang huli kitang nakita. I bet you're happy now.  You know what, Salmon... I'm not okay. I don't think I'll ever be. You told me to look at the brighter side, but why did you leave? You are my brighter side, Salmon.

   Alam mo ba kanina, nakita ko si Trisha, she's mad at me. I guess ikaw rin. Hindi naman kasi tayo hahantong sa ganito kung hindi. Hindi ako nagseselos ah, pero bagay kayo. It's like, you were the prince, she was the princess, yet I ruined the perfect fairytale you could have had.

   Tumingala ako at ibinaba ang ballpen. I didn't know what to say— write anymore, but I knew I had many thoughts. Malay ko ba. Magulo ako.

    Kasalukuyan akong nandito sa library na bago malapit sa apartment ko. I didn't exactly know how long had this been library here, but at least there was. Ngayon lang ako lumabas ulit kaya ngayon ko lang nakita. It was full of green. Their couch were green, their tables were green, the bookshelves were green... which made me remember him again. Hindi na ata imposibleng hindi ko siya maalala sa lahat ng nakikita ko.

   "Maganda raw 'to sabi ni Kuya..."

   Tahimik ngayong gabi, at tanging paghinga ko lamang ang naririnig. Napalingon tuloy ako sa lalaking nagsalita. He was not looking at this way, but the book he was holding caught my attention. The book that almost made me tear up. Salmon loved it. Ilang araw naming pinag-usapan ang plot no'n.

   You know what, Salmon, I should go home. Hindi talaga epektibo ang paglabas sa akin. The more I think of going out (which I didn't do for the past few months), the more I just wanted to sleep.

   Tumayo ako at ibinalik ang librong hindi ko naman nagalaw. Gusto ko sanang magbasa kaso siya pa rin ang naaalala ko. Marami-rami ang tao sa loob ng library pero halos hindi ko na maramdaman, lahat ay nakayukyok ang ulo sa binabasa.

   Dire-diretso ang naging paglabas ko. Binalot ako ng sariwang hangin, mabuti na lang ay suot ko ang jacket na bigay niya. Out of habit, I shook the jacket before finally going out.

    Nang makarating ako sa apartment ay wala akong naabutan, hindi ko tuloy alam ang mararamdaman. The whole apartment was a trash, yet still empty. Kung noon ay matatanaw ko agad siya sa kusina, nagluluto para sa akin, ngayon ay purong katahimikan na ang sumasalubong.

   Salmon, one dot aalis ako rito.

   Ilang beses na ba akong nagplanong umalis at hindi ko magawa-gawa? Maybe, deep down, I was still hoping one day he would come back? Maybe no. Surely... yes.

   Pikit-mata akong pumuntang kusina. My back still hurts from sitting in the library since the sun went out. Halos wala naman akong natapos, kahit ang letter ay hindi nga. I put my brown hair in a messy bun, and rolled up the sleeves of the jacket. Kinuha ko ang unang nahablot ng kamay ko— cup noodles. Ilang buwan na kayang puro cup noodles ng laman ng tiyan ko?

    Iniangat ko ang termos at napairap nang magaan ito. Nang makapagpakulo ay muli kong hinarap ang pinanonood. The movie was almost finished when my phone rang.

   "I DROVE BY ALL THE PLACES WE USED TO HANG-OUT GETTING WASTED!" I shouted with the song.

   "Hello?" I cleared my throat, and answered.

   "Babae, ano na? Wala ka bang planong lumabas diyan sa lungga mo?" 

   "Wala," I joked.

   I heard my sister sighed before speaking, "tatlong oras akong naghintay sa shop." Seryoso ang boses niya.

   Natawa ako roon. "We? Ikaw?"

   "Fine. I left after 15 minutes."

   Walang buhay akong natawa. I remembered when she was about to see Salmon. Sanay siyang late ako parati kaya iniisip niyang late rin iyon, pero hindi. Nauna pa nga siya nang 10 minutes sa exact time. Hindi alam ni Ate kung nagpapa-good shot lang o maaga talaga.

   Nawala ang ngiti sa labi ko at ipinagpatuloy na lamang ang pakikinig sa pinagsasabi ni Ate. Habang nagsasalita siya ay ip-in-ause ko na ang kaninang ginagawa. Pagkatapos nito ay pwede na ulit akong manood ng bago.

   Kinabukasan ay maaga akong nagisng, pero nanatili lamang na nakahiga at nakatitig sa kisame. Nang maramdamang kumukulo na ang tiyan ay roon lamang ako napilitang tumayo at dumiretso sa kusina. I almost did the walling when I saw how empty my cupboard was. I should have expected that, but I was still disappointed.

   Bakit ba kasi ako kumakain pa eh.

   Malakas akong bumuntong-hininga at inayos ang jacket na suot, siniguradong nasa ulo ang hood. Sinuot ko ang salamin at walang habas na lumabas kahit wala pang ayos sa sarili, bibili lang naman ako ng grocery.

   Kahit mainit ang panahon, tiniis ko ang pawis. Mas importanteng hindi ako makita ng mga  tao kaysa maginhawaan pa ako. I wouldn't feel comfortable if I see anyone staring.

   Maingay na at nakaiinis iyon. Hindi naman ako ganito noon, pero ngayon ay namamalayan ko na lang na naiirita na ako sa lahat ng bagay. Nakaiirita pala talagang mabuhay, nandoon lang siya kaya akala ko masaya.

   I got drowned, and I think it's too late to save me.

   Pumasok ako sa maliit na supermarket dito sa Downtown. Hinaklit ko ang maliit na cart at kumuha ng mga pagkaing tatagal siguro nang ilang buwan. Ayoko talagang lalabas.

   Without looking around, I could still see the busy people around me. It sucked knowing they were not staring, but I still felt like they were. I could feel myself getting out of breath from thinking those things that's why I ran to the aisle I was hoping there were cookies.

   Thankfully, meron naman— plus wala ring tao... or so I thought.

   Napahinto ako sa paglapag ng paborito naming cookies nang may mapansin sa dulo ng hallway. It was a tall man wearing a green shirt, and grey sweat short. His brown hair was hanging on his forehead, but his hazel eyes could still be seen. I gulped when I saw his familiar dimples on his right cheeks.

   Nanlaki ang mata ko at mariing napakapit sa cart. Inayos ko ang suot na salamin upang masiguro ang nakikita. Before the man could even start to walk, I pushed my cart, and ran towards the farthest aisle.

   You know what, Salmon... I think... I think I saw you.

SalmonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon