14: Doubled

0 0 0
                                    

14: Doubled

   Napairap na lang ako sa hangin nang marinig na bumukas ang pinto ng apartment ko. Sigurado naman akong si Ate lang 'yan. Abusado rin eh. Pinayagan lang ng isang beses, itinuloy-tuloy na.

   "Tayo ka naman diyan. Porket busy ang best friend mo, hindi ka na naman bumabangon."

   Halos manakit ang mata ko dahil sa pinagsasabi ng Ate ko.

   "Bakit na naman?"

   Totoo naman kasi iyon— ako lang naman ang walang ginagawa rito, kaya naman nakahilata lang ako at nanonood. Medyo hectic daw sa opisina nila, pati nga si Ate ay himalang nakapunta ngayon dahil ang sabi ay busy sila dahil na rin sa mga demanding na kliyente.

   Nakaka-miss tuloy magtrabaho.

   Ate Ingrid pouted, and sat on the other love seat. Hinubad niya muna ang suot na heels saka nagsalita, "labas tayo."

   "Tinatamad ako."

   Dahil nga magka-trabaho itong si Ate at Kaiden, halos pareho ang schedule nila. Isang linggo ring halos walang paramdam itong dalawang ito— kung hindi lang talaga nagpunta ngayon si Ate ay baka literal akong walang balita bukod sa nunka-nunkang text ni Kaiden.

   "Dali na! Busy na ulit ako bukas eh. Para namang hindi mo ako na-miss," eksaherado niyang pilit.

   Tamad akong tumayo at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko. Bago pa ako makapasok ay nilingon ko siya. "Hindi."

   "Bruha!"

   Humalakhak ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto. Nawala ang ngiti sa labi ko at napailing. Kumuha na lang ako ng simpleng t-shirt at maong na short kahit pa pormado ang Ate ko. Kahit saan naman 'yan pupunta, hindi na magrereklamo sa suot ko, at kaming dalawa lang naman.

   Matapos maligo ay agad akong nag-ayos ng sarili. I let my hair down, before putting powder and my glasses. Paglabas ng kwarto ay naabutan ko si Ate na inaabala ang sarili sa paglilipat ng channel, hindi naman nanonood.

   "Saan pupunta ba?" tanong ko, hawak na ang susi at cellphone.

   "Sa tabi-tabi lang naman."

   Sumandal ako sa pinto ng kwarto at pinanood siyang tumayo. I watched as she fixed her pink off-shoulder romper, and white flats. Halos mapapikit ako dahil inaantok na nang maglipstick pa siya.

   "Sa tabi-tabi lang pala, kasama pa 'ko," bulong ko habang inaayos ang seatbelt.

    Tumawa lang siya.

   Akmang makatutulog na ako dahil tahimik lang naman si Ate nang tumunog ang cellphone ko. Walang tingin-tingin ko iyong sinagot dahil isang tao lang naman ang tatawag kung hindi si Ate.

   "HIndi ka busy?" Rinig ang pagod sa boses ko.

   "Oh? Did I wake you? So—"

   "Hindi," putol ko. "Inaantok lang ako pero hindi naman ako tulog." Umayos ako ng upo bago muling nagtanong, "hindi ka busy?"

   "Medyo, tumawag lang ako."

   Kumunot ang noo ko roon. "Bakit ka tumawag?"

   "Miss ko na boses ng best friend ko." Humalakhak siya.

   "Tanga."

   Lalo siyang tumawa kaya pati ako ay natawa na rin. Napalingon sa akin si Ate na may ngiti sa labi pero hindi na nagtanong, at itinuon lang ang atensyon sa kalsada.

   "Kai—"

   Nabitin sa ere ang ngiti ko nang maputol ang tawag. My forehead creased as I stared at my phone. Siguro ay nasa trabaho pa dahil narinig ko ang boses ng Kuya niya.

SalmonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon