09: Feeling Good
Maaga akong nagising ngayong araw, and for the first time in four months, ngayon ko lang naramdamang magaan ang araw. For the first time in four months, kahapon lang ako umiyak nang magaan ang puso.
Are you proud of me, Salmon?
Or maybe he was still mad... baka lalo pa siyang magalit dahil nakukuha ko pang maging masaya matapos ang nangyari sa amin.
"What should we do next?"
Inalis ko ang paningin sa buwan at nilingon ang lalaki. His face contorted a genuine confusion. Magkasalubong ang dalawang kilay at bahagyang nakanguso ang labi. Akala ko pa ay ako ang tinatanong niya pero naabutan ko siyang sa cellphone nakatingin.
I smiled a little when I thought of something. "What about... tell me your name first?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Iniwas ko ang paningin at muling nagsalita. "Kanina pa kasi tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo."
He maybe knew my name, but I didn't know his. Wala naman akong research na ginawa.
"Kaiden Ezekiel Nicolas, Miss Idge," he said jokingly.
Napatanga naman ako sa pangalan niya. "W— wala ka bang kapatid?"
"We're three actually, babae ang bunso. Why'd you ask?"
Napailing ako at bahagyang itinulak ang suot na salamin. "Ang haba kasi ng pangalan mo, akala ko sa iyo ibinuhos ng parents mo lahat ng naisip nila."
His laugh enveloped the silence. "That's actually the case, nagtatalo raw silang dalawa kung anong ipapangalan sa akin, ayan, inilagay lahat."
I laughed at that, then stop when I remembered something. "Wait— so, you are Ken?"
Tumango siya.
He had a mouthful name yet I forgot, what are the odds. "Chicken," I muttered without knowing.
Napabuntong hininga na lang ako at nahiga sa kumot nang tumawa siya. This was the first time I experiencep something like this— hang-out in silence, aside sa loob ng bahay kung saan kaming dalawa lang ni Salmon. I never thought it could be this peaceful.
"Unan?"
Umiling ako. "Ayos na."
Dahil masyadong malaki ang kumot, halos takpan no'n ang palibot ng sasakyan kaya malaya akong nakahiga. Napatitig ako sa mga bituin at buwan na kung kanina ay nagtatago, ngayon naman ay malayang-malaya at sobrang liwanag. Siya ang nagbibigay ng liwanag sa puwesto namin lalo na't wala namang ibang ilaw.
"If you don't mind me asking... aren't you offended na may ganito?" I pointed the photo. "Tapos itinutulak ka pa rin ni Ate?"
Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil nasa bandang uluhan ko siya habang ako ay nanatiling nakahiga. Dahil tumatabingi ang salamin ko, hinubad ko muna iyon.
"Hindi naman."
"Weh?"
"Yeah, at hindi naman ako pumayag kasi napilit. Ibibigay ko nga sa'yo iyan." I heard him laughing. "And I also want to know you, so..."
Note nth. He's straightforward.
I never caught him beating around the bush, ang dali tuloy paniwalaan ng mga pinagsasasabi niya.
But I still needed to be careful. Ngayon ko lang nakilala ang taong ito. Kahit sabihin pa ni Ate na kilala niya na, hindi pa rin ako mapapalagay.
BINABASA MO ANG
Salmon
Romance"It was perfect. Everything was perfect." I giggled with no humor, and looked away when I noticed his stares. "But I had to ruin it." Forgiveness was what she wanted. When she met someone on the way, her fear of the history to repeat itself awaken. ...