12: Support Systems

4 0 0
                                    

12: Support Systems

   I didn't want to admit anything, but after that, everything became lighter. It was as if I was saved from drowning when I believed I couldn't be saved.

   Gusto ko siyang sapakin sa mukha nang malaman ko ang ginawa niya. I actually had no idea about what happened. I just knew I fell asleep on the veranda, and woke on my bedroom... and my apartment was at its cleanest state. Imagine my shock when I woke up, feeling light and all, then I saw my smokey mountain apartment shining!?

   Agad ko siyang tinawagan at pinagalitan dahil doon. Nakakahiya! Malay ko ba kung anong nakita niya sa mga basura?

   "Hoy, bakit mo nilinis ang apartment ko?"

   "You're welcome," he answered, and I was betting my life he had a cheeky smile on.

   "Sira ka talaga," natatawa kong sagot.

   Kagigising ko lang at wala pang laman ang tyan ko pero magaan ang pakiramdam. Kung noon ay nagigising ako at tila ayaw ko pa iyon, ngayon ay ramdam ko ang kagaanan ng loob habang umiinom ng gatas sa balkonahe.

   Napatitig ako sa ibaba at ngayon ko lang naappreciate ang hitsura ng mga taong naglalakad nang mapayapa. Ang iba ay halatang nagmamadali dahil siguro sa trabaho habang ang iba ay chill lang.

   "How's your sleep, best friend?" tanong niya, nang-aasar na naman.

   "Para kang bobo." Humalakhak ako. "Salamat." Hindi ko alam kung narinig niya ba ang buntong hininga ko, pero napangiti ako sa katahimikang idinulot no'n.

   It's not the sigh I usually let out. It's a sigh of relief. I actually had not thought of what he said last night, but I was getting there.

   Life is a process, anyway.

   "Want to eat again?"

   Umiling ako na para bang makikita niya. "May trabaho ka, tanga."

   "So what? Hindi naman ako pagagalitan ni Kuya."

   I faked a gasp. "User ka pala ah."

   Natatawa akong humigop ng gatas nang narinig ko siyang humalakhak. I was about to say something when I heard a baritone voice.

   "Wait lang, Kuya, si Ingrid muna abalahin mo."

   Napailing na lang ako sa sinabi niya at hinayaan ang sariling makinig. Base pa lang sa pakikipag-usap ay halata na ang pagkakaiba nila ng Kuya niya. His brother's obviously intimidating even by the sound of his voice. Hindi katulad niya na parang chill lang sa lahat ng bagay.

   "Sorry for that, epal lang 'yon."

   "Ibaba ko na, nasa trabaho ka pala."

   "Okay, call me kapag nagbago ang isip mo."

   Muli akong napangiti at ibinaba na ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako sa sarili at inilibot ang paningin sa apartment kong kaunti na lang ay kikinang na sa linis. I was just thankful that he didn't clean my room. Ako na ang bahala roon mamaya tutal ay parang sinisipag naman ang katawan ko ngayon.

   Balak kong maligo pagkatapos kong maglinis kaya naman dumiretso ako sa loob ng kwarto. Napangiwi ako nang makita kung gaano ka-kalat iyon. Mas makalat iyon kaysa sa buong apartment dahil sa kwarto naman ako madalas nagkukulong. Different cup of noodles were lying on my carpeted floor, natatanaw ko pa ang ilang bote ng coke sa ilalim ng kama. Nakikita ko pa lang ang mga pakete ng mga candy  ay napapagod na ako.

   Umirap muna ako sa hangin bago nag-umpisang damputin ang malalaking kalat. Mabuti na lang ay walang liquid na makalat kaya naman hindi nakadidiring hawakan ang carpet ko pero dahil marumi na iyon, inalis ko na at pinalitan ng bago. I also changed my bedsheet because— duh, ilang buwan nang iyon ang gamit ko.

SalmonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon