07: What My Sister Wants, My Sister Gets

2 0 0
                                    

07: What My Sister Wants, My Sister Gets

   "Hoo!"

   Napapikit ako sa inis nang matapon ang mainit na tubig sa paa ko. Mahigpit kong nakagat ang pang-ibabang labi habang iika-ikang naglakad patungo sa kusina kong makalat para mabawasan ang paghapdi.

   Binuksan ko ang gripo, at inilagay roon ang paa. Akmang makahihinga na ako nang maluwag nang may kumatok sa mula sa labas.

   "May Idge Ravena po ba rito?"

   Nangunot ang noo ko. Wala naman akong natatandaang um-order ako ng kahit ano kaya ano iyon?

   Nang muling kumatok ang tao ay ibinaba ko ang basahang hawak at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Wala akong paki kung simangot ang mukha kong sasalubong sa delivery boy.

   I was probably in one of my messiest state. If a bloodless woman, in a messy hair, and a swollen eyes face me? I would run. 

   Binuksan ko ang pinto. "Wala po akong in-order," maikling sabi ko at muling sinara ang pinto.

   I didn't have to look at what he had,  I  knew it was not mine. Hindi lang naman ako ang Idge Ravena sa mundo, magbabayad pa ako ng hindi sa akin.

   Nalukot ang mukha ko nang hindi pa man ako nakalalayo ay muling kumatok. Was this a prank?

   Hinablot ko ang salamin mula sa lamesa para makakita nang mas malinaw at muling binukan ang pinto. Handa na sana akong magsalita ulit nang makita kung sino ang delivery boy. Literal na nalaglag ang panga ko dahil ito 'yung... siya iyong lalaki two days ago!

   Mukha namang hindi siya nagulat nang makita ako. I shouldn't have expected he would be shock after knocking  repeatedly.

   On the other hand,  nabitawan ko pa ang pinto na muntik tumama sa paa ko na naman. I almost embarrassed myself, but he stopped the door with his right hand.

   Ano 'to!?

   "Don't... don't close your door yet!"

   Hinubad ko ang salamin at kinusot ang mata para masigurado.

   My face couldn't be painted by anyone when I realized I looked dumb, but I didn't mind. "Anong... bakit..." Huminga ako nang malalim. "How did you know I live here!?"

   Hindi ako kumukurap kahit na napaatras siya sa ginawa ko, nakapikit ang isa niyang mata habang hawak ang pinto.

   "Chill, teka naman. Bakit ka galit?"

   Doon ko lang napansin ang hawak niya. Pamilyar ang plastic ng fast food chain, at bahagyang kumulo ang tiyan ko, pero wala akong paki. Anong ginagawa niya rito?

   "Your sister sent me," sabi niya, nakapamulsa ang kanang kamay habang nasa kaliwa ang pagkain. "She's worried about you, hindi mo raw sinasagot ang tawag niya."
 
   "Paki mo ba?" Inirapan ko siya. "Ikaw ba bagong boyfriend niya?"

   Nakakaasar. Nagpadala pa ng alagad niya.

   The man snorted, his eyes were squinting as he did that. "Kadiri."

   "Anong sabi mo?"

   Kung kanina ay badtrip na ako sa kaniya, mas lalo ngayon. How dare he say that to my face? Ate ko iyon!

   Nanlaki ang mata niya at tila ngayon lang napansin ang sinabi. "I mean, kadiri kasi hindi— ah basta, hindi kadiring nasa isip mo. Gusto ko lang mabuhay pa nang matagal."

   Edi sana all.

   "Pinabibigay niya 'to."

   "Paki-bali—"

SalmonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon