Chapter 12
Kissed
"Fuck," Hawak ko ang ulo ko habang iniinda ang hangover.
"Heizen pabili ng coffee, please..." Si Jorge na kagaya ko ay nasobrahan ng alak kagabi. Umiling si Haze at lumabas ng room.
Good thing our first teacher isn't here yet. Mukha kasing hindi din ako makakapag focus masyado. Kaming dalawa lang ata ang tinamaan ni Jorge dahil okay naman ang dalawa naming kaibigan. Ngayon ko lang naalala na Low tol nga pala ako, kaya bakit ako uminom ng ganoon kadami?
Dalawang oras lang ang tulog ko. Kinailangan ko gumising ng maaga at umarteng walang nararamdaman dahil hindi alam nila Mom na umalis ako kagabi. Kahit si Mav, hindi din alam kaya todo act normal ako kanina sa agahan.
Konti lang din ang naaalala ko nung pauwi kami at paano ako nakarating sa kwarto ko. Basta ang huling natandaan ko ay ang pagpasok sa'kin sa bahay ni Haze at ni... Ian? Sino nga ba yung isa? Pero ang alam ko ay siya. Hindi ko na nakita dahil madilim sa bahay.
Bumalik kami ni Draven sa table. Hindi naman nagtaka ang mga kasama namin nang bumalik kami ng sabay. Inubos ko agad ang isang bote ng beer. Nagtuloy tuloy 'yon hanggang sa hindi ko na mabilang ang naubos ko. Bakit ba kasi kumalabog ang dibdib ko ng gano'n? Heto tuloy at dinaan ko sa pag inom para mapawi iyon.
Nahuhulog na ang talukap ng mata ko nang maramdaman kong inalalayan akong tumayo ni Ian. "Tangina, anong nangyari sayo? Mapapatay kami ng magulang mo neto, e," Kasabay no'n ang tawanan nila.
Nahihilo na talaga 'ko kaya binigay ko ang lahat ng bigat ko kay Ian. Natanaw ko ang pagbuhat naman ni Haze kay Jorge. Ngumuso ako.
"'Yan..." Tipid na tawag ko kay Ian.
"Oh?"
Tinuro ko sila Jorge. "Buhatin mo nalang din ako," Sa nagpapaawang boses.
Tumawa siya ng malakas. "Hoy Janna! Mas mabigat ka pa sa'kin, wag kang feeling magaan dyan," Tawa niya ulit.
Mariin kong pinikit ang mata dahil hindi ko na talaga kaya. Pwede na bang matulog? Gusto ko nang umuwi! Naramdaman kong nawala ang brasong nakaalalay sa'kin. Umangat ako at naramdaman ang braso ni Ian sa likod ng hita at balikat ko. Ngumiti ako. Bubuhatin din naman pala ako, ang dami pang sinasabi!
Nakatulog ako sa byahe, naalimpungatan lang ako nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Nandito na pala kami sa bahay. Pikit pa din ang mata ko nang buhatin akong muli. Kinawit ko ang braso ko sa leeg niya at humilig sa kanyang dibdib. I even sniffed on his chest. Ang bango pala ni Ian?
Tumama ang ilaw ng headlights mata ko. Nakita ko ang paparating na sasakyan. Bumaba si Haze at siya ang naunang nagbukas ng gate namin. Madilim na dito sa baba ng buksan ng kasambahay ang pinto. Kinausap siya ni Haze. Tumango tango siya at pinaakyat kami sa kwarto.
Binuksan ni Haze ang pinto ng kwarto namin. Nakahawak lang siya sa doorknob. Marahan at dahan dahan lang ako nilapag sa kama para hindi magising si Mav. Hindi ko masyadong maaninag si Ian dahil sa dilim. Ang huli kong natatandaan ay mga pag kumot niya sa'kin bago ako tangayin ng antok.
Tangina, hindi na talaga ako iinom ulit. Pero joke lang!
Medyo umayos ang lagay ng ulo ko pagkatapos uminom ng kape at makapagpahinga. Dumating ang teacher namin at nagbigay ng week long activities. Bumagsak ang balikat naming lahat dahil do'n. Masyadong sagana si Ma'am sa activity.