Chapter 13

56 5 2
                                    

Chapter 13


Roadtrip



Naka-ilang mura na ako sa utak ko habang pilit na pinoproseso ang sinabi ni End. Parang nawala bigla ang kakayahan kong mag comprehend ng mga salita. My friend kissed my friend? Sinong kaibigan at bakit may halik na nangyari?! Alam ko sa sarili kong hindi si Ian 'yon kaya malamang... Si Jorge at.. at H-Haze!


I don't know how everyone of us ended in one table. Kanina ko pa ginagala ang mata ko dito sa pwesto namin para hanapin si Jorge kaso wala siya. Si Haze naman ay nakatulala sa lamesa habang pinaglalaruan ng daliri ang labi niya. Mukhang malalim ang iniisip dahil hindi siya natitinag kahit na nababangga na siya ng katabi na si Ian. Tumapat kasi ang dulo ng bote kay Ian at dahil do'n ay iinumin niya ang basong puno ng alak. Pangalawang beses nang tumapat sa kanya kaya hindi na 'ko magugulat kung mamaya ay hindi na 'yan makakatayo.


They spin the bottle and this time it stopped at me. Tumayo ako at kinuha ang baso na sinalinan ni Anthony. They cheered me while I'm drinking. I closed my eyes as the hard liquor ran on my throat. Pagmulat ko, biglang nag sexy dance si Raphael na sinabayan rin ni Mark kaya napabuga ako.


Binato ko si Raph ng lemon na nadampot ko. Hindi kami matigil sa pagtawa dahil sa kanila.


"Here..." Inabutan ako ni Draven ng tissue.


"Thanks," Nag angat ako ng tingin sa kanya at sabay kaming natawa. Nag tayuan na din ang iba naming kasama para sumayaw. Hindi ko lang alam kung sayaw bang matatawag 'yon dahil nagtutulakan sila.


"Tayo ka na din!" Ani ko habang tumatawa. Umiling si Draven at nagmamatigas kahit na hinihila ko patayo. I don't know what get into me that I dare to pull him. Wala na 'kong paki kung sabihin niyang feeling close ako ngayon. We need to have fun!


Hindi na natuloy ang spin the bottle namin at nag kanya kanya nalang ng inom. Hindi ko pa din nakikita si Jorge pero nawala din agad sa utak ko ang paghahanap sa kanya dahil iniipit ako ng mga pinsan ko habang nagsasayaw. I laughed my heart out. Para na kaming baliw dito na may sariling mundo! I'm happy that my friends and cousins easily get along with each other.


Walang nagawa si Draven nang si Mark at Justine na ang humila sa kanya. Lahat kami dito sa table ay nagtatalunan at may nagbuhos pa ng alak! We don't know who did that because of the neon lights. Mas lalong lumakas ang tawanan namin dahil do'n. Lumingon ako sa likod ko nang may makabungguan. It was Draven. Nagkatinginan kami, basa ang buhok niya. Muling nagpaulan ng beer at sabay kaming napapitlag. Nanlaki ang mata namin sa isa't isa nang makitang basa na talaga kami at sabay ding napatawa.


Naningkit ang mata niya at kahit na sa dilim at ilalim ng papalit palit na ilaw, kita pa rin ang ganda nito.


I shook my head to set aside my thoughts. Muli akong sumabay sa indayog ng trip nila. This is the best friday night ever!


Nagising ako sa bigat na naramdaman sa tiyan ko. I slowly opened my eyes, a familiar brown ceiling welcomed me. Dinungaw ko ang nakadagan sa tiyan ko na naging dahilan para mahirapan akong huminga. I groaned and pushed Jashiel's head but he returned it to it's original position. I groaned more.


Muntik na 'kong matawa nang makita ang posisyon naming magpipinsan. Jash's head were on my tummy while Mav is hugging me and his legs is on Jash's waist. Si Raphael naman ay nakabulagta sa kabilang side, Ang ulo ni Anthony ay nakalagpas na sa kama. Nagmukha tuloy na wala siyang ulo mula dito. And lastly, Endrian and Billy na parehong nakadapa at nakapatong ang paa sa iba.


Inalis ko ang braso ni Mav sa'kin dahil sobrang init na. I noticed that we are wearing the same clothes from last night. Sabay sabay na kaming bumagsak dito sa kama at hindi na kinayang mag ayos.


Never Not YouWhere stories live. Discover now