Chapter 9
Hitch
Sa sobrang pagkalutang ay hindi ko na namalayan na nakarating ako dito sa room. Wala sa isip ko ang paroroonan ng lakad. Basta alam ko lang sa sarili ko na naglalakad ako, buti nalang at dito ang direksyon ng mga paa ko.
Buong gabi akong mulat sa hindi malamang dahilan. Ang kapatid ko ay mahimbing na ang tulog habang ako ay nakatitig lang sa kisame habang ang lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto.
I've been thinking about my studies and some other stuffs na hindi naman na dapat iniisip. Inaalala ko if I did my best sa ibang subject. I'm thinking about how it is going to be in my college. Pati na rin ang magiging trabaho ko. If I'll be able to be succesful on my own and will be able to give back to my parents, minsan kasi iniisip ko kung kakayanin ko ba lalo na sa course na gusto ko. You know... typical doubts and thoughts of an undecided incoming freshman.
Nasama din sa iniisip ko ang pagkikita namin ni Draven kahapon. Hindi ako makatulog kaya ang bagsak ko... ayun... overthinking. Advance lang din siguro ako mag isip.
"Are you okay?"
Napatalon ako sa biglang nagsalita. "Huh?!" Gulat na tanong ko kay Draven.
"Bakit hindi ka pa pumapasok?" Kunot noo niyang tanong. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko.
Napatingin din ako sa kamay ko. "Ay!" Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakahawak sa doorknob pero hindi ko ito binubuksan.
Nahihiya akong bumaling sa kanya. "Sorry hehe," Binuksan ko ang pinto at dali daling pumasok.
Ang mga mata ng kaklase ko ay nasa akin at lumipat sa aking likod. Ang mga babae ay ayon na naman at kinikilig ang mga mukha. Umirap ako. Kailangan ko na masanay.
Padarag akong naupo. Inaantok pa 'ko at gusto kong matulog! Punta nalang kaya ako sa clinic?
"Valky!"
Umupo si Daniel sa upuang nasa harap ko.
"Laro tayo?" He's grinning.
"Maya na,"
"Ngayon na! May meeting daw mga teachers ngayon sabi ni Ma'am kaya walang makakakita sa'tin," He waggled his brow.
"Pass ako, kayo nalang muna."
"Bakit? Valky naman!"
Mariin kong pinikit ang aking mga mata. "Doon ka muna, Dan, wala 'ko sa mood."
"Weh?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa siya at tinaas ang dalawang kamay. "Okay, okay... Sunod ka nalang maya maya kahit wala ka pa din sa mood." He laughed.
"Ikaw, bro? Tara Uno." Anyaya niya sa katabi ko.
Hindi ko nakita ang sinagot ni Draven, tumango lang si Daniel at umalis.
Itinuko ko ang aking siko lamesa at nilagay ang dalawang kamay sa pisngi. Lalo akong inaantok sa tahimik ng room namin at tanging ang ingay lang ng aircon ang namamayani. Wala pa kasi yung tatlo dahil sobrang aga pa at si Daniel naman nanahimik na. Wala kasing nayaya maglaro. Nasa anim palang kami dito at puro pa mga matitino kaya wala talagang magtatangkang mag Uno.
"Are you sure you're okay?"
Nilingon ko ang katabi ko na nanahimik din. "Oo, inaantok lang." Maikling sabi ko at pinikit ang mata.