Chapter 22
How to Love
I came home at around ten o' clock before the christmas eve. Nang nalaman nila Ian na mananatili pa ako ng mas matagal sa Camiguin ay sinagad na rin nila ang bakasyon. Draven stayed, too, as he said.
Siya rin ang naghatid sa akin dito sa bahay. His car was parked at the hotel near the airport and he offered to send us all home. Except to Justine and Mark who has their own car.
I was seated on the front seat. Mauuna akong bumaba dahil mas malapit ang subdivision namin kaysa sa mga kaibigan ko. Alam ni Draven 'yon pero kahit na ako ang mas malapit na bahay ay inuna niyang ihatid sila Jorge, Ian at Haze.
"Gurl, goodluck! Hinuli ka, e. Momol na 'yan!" Bulong ni Jorge pagbaba niya ng kotse.
Agad kong tinulak ang bibig niya at sinara ang bintana.
Ang gagang 'yon! May pa katok katok pa sa bintana ayon lang pala sasabihin!
Hindi tuloy ako mapakali. I'm thinking about what she said. Sanay si Jorge sa mga ganito sa dami n'yang flings. Marahil sinabi n'ya 'yon dahil based on experience. Pasimple akong sumulyap kay Draven. Hindi naman niya siguro gagawin 'yon, 'di ba? But there's a possibility the he'd really do it because he's a playboy and that is the usual moves of people like him.
Eh paano kung gawin niya nga talaga? Napasulyap muli ako. I caught him lick his lower lip, pumula lalo 'yon dahil sa ginawa niya. Bumaling siya sa akin kaya napaiwas ako. Sobrang tagal na nung huling halik ko kaya wala na 'kong alam dyan! And jeez... why he licked his lips and suddenly looked at me? Is he planning to...?
What the hell, Jannara?! Don't even think about it! Subukan niya lang talaga, masasapak ko siya!
Huminga akong malalim para ma-relax. Medyo napalakas pa yung hinga kaya napansin ni Draven.
"Okay ka lang?" He asked.
"Oo naman..."
"You sure?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kalsada. "You look constipated there..." He chuckled.
At natawa pa talaga, ha. Umirap ako. Lintek kasi na Jorgia 'yon! Wala nang lumalabas na maganda sa bibig.
"I'm really fine. Gutom lang ako," I forced a chuckle.
What a reason!
"Gusto mong kumain muna tayo?" Agap niya.
"Ah hindi! Sa bahay nalang,"
Tumango siya.
Tanaw namin ang christmas lights mula sa loob ng bahay nang nagpark siya. Wala pa 'yon nang umalis ako. Kita ko rin ang inayos na christmas lights sa may puno at hinugis bilang mukha at may sungay pa! Natawa ako. Lakas ng tama ng mga pinsan ko!
I heard Draven laughed. "It's you, right?"
"Hindi ah!"
"No..." Natatawa siya. "Ikaw talaga. Look,"
Nanlaki ang mata ko nang muling tinanaw ang puno. Biglang umilaw ang ibang christmas lights kaya nagkaroon ng buhok yung mukha! Kasing haba ng buhok ko!
Mga gago talaga.
Naiiling akong bumaling kay Draven para magpaalam. Bakas pa rin ang tawa sa labi niya.
"Baba na 'ko." I said. "Uwi ka na din, malapit na mag twelve,"
He pursed his lips and nodded. Bubuksan ko na ang pinto nang pigilan niya 'ko.