Chapter 7
Classmates
These past months had been hectic. Tambak ang mga written works sa bawat subject, dumagdag pa ang practicum at thesis! Kastress talaga lalo na yung thesis namin. There's a point that we revised the whole chapter pero nung pinacheck namin.. Rejected pa din!
Kaya minsan gusto ko nalang maging dumbbell, eh. Jewk!
So this is the time of the week na medyo chill lang. Napasa na kasi namin ang ilang activities.
"Hay salamat... wala na akong gagawin." Sabi ni Jorge habang sumisipsip sa milktea niya.
"Buti nalang hindi ko kayo kagroup!"
Ngumuso ako kay Ian. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong hindi sila ang naging kagrupo ko o hindi eh.
Pag magkakasama kasi kami ay wala kaming magagawa, okay lang na hindi ko kasama si Haze at Jorge basta ba si Ian kagrupo ko. Sipag kasi, e.
"Dahil wala na tayong gagawin... in the mean time ha?" Tumawa si Haze. "Dakila tayo mamaya."
"Libre mo?" Jorge's eyes twinkled.
"KBB syempre!"
Inirapan siya ni Jorge. "Dude! Ang yaman mo tapos hindi ka manlang manlilibre?"
"Mas mayaman ka, bakit hindi ikaw ang manlibre sa'min?" Tumaas ang kilay ni Haze.
Napailing ako sa dalawa. Panlilibre lang pinagtatalunan pa nila, buti pa 'tong katabi ko ay ililibre ako. Palihim akong natawa.
"'Di ba?" Biglang tanong ko kay Ian.
His brows furrowed. "Ano 'yon?"
"Basta oo ka nalang!" Ililibre mo 'ko.
"Ha?"
"Sabi ko um-oo ka!"
"Hanap ka kausap."
Sinapak ko ang braso niya, pampam talaga 'to!
Tinawanan niya 'ko. "De joke lang, oo sige na!"
Nagliwanag ang mata ko. "'Yan ang gusto ko sa'yo, eh!"
So... mamaya makakagala muna kami. Tagal na din kasi naming hindi nakapag bonding dahil puro mga kagroup namin ang lagi naming kasama.
Bumaba si Ian para bumili sa canteen, nagpasabay din ako ng choco drink. Nakasuot ang earphones ko dahil naka nganga lang kaming lahat dito. Ang iba ay may sari-sariling trip. Hindi pa din kasi kami makapaglaro kaya boring.
Tinungo ko ang ulo ko at pinikit ang mata.
Nakaka antok naman...
Hindi pa man ako tuluyang nakakatulog nang makaramdam ako ng kalabit sa braso ko. Ginalaw ko ang braso ko para maalis ang kamay no'n ngunit nagpatuloy siya.
Inangat ko ang ulo ko at tinignan ang katabi.
"Natutulog yung tao, eh.." Mahinang reklamo ko kay Jorge.
Bakit ba lagi nalang nila akong ginigising?!
Hinaklit niya ang earphones ko. "Gaga nandyan na si Ma'am." She pointed in front.
Tamad aking napaayos ng upo. Ano ba yan, dumating pa. Napairap ako. Wala pa rin si Ian, tagal naman no'n? Nako baka lumandi pa.
"Okay class, settle down." Nakalapat ang dalawang kamay ng adviser namin sa lamesa.
Unti unting tumahimik ang room. Hinintay muna ni Ma'am maka-upo ang lahat bago nagsalita.
"Okay..." Umayos siya ng tayo. "I have an announcement, Miss Santos already filed her maternity leave... Kaya ang Section C ay mahahati."