Chapter 2

136 73 0
                                    

Chapter 2

Hideout

"Ate kakain na daw."

Pang ilang beses nang sinabi sa'kin ni Mav 'yan at naririndi na ako.

"Oo nga! Maya maya."

"Jan, tumayo ka na dyan, Anong oras na oh." Si Mommy na sumilip sa pinto ng kwarto.

"Opo 5 minutes lang. Inaantok pa talaga ako."

Bumuntong hininga siya "Okay." at umalis na.

Sunday ngayon at magsisimba kami sa Montefalco. 11 o'clock pa naman daw kami aalis pero bakit ginigising na agad nila ako? Ang aga aga pa!

Tiningnan ko si Mav na katulad ko ay nakahiga padin sa kanyang kama. Kahit malalaki na kami, sa iisang kwarto pa din kami natutulog.

Our room has two bed. Magkatapat ang kama namin at parehong nasa magkabilang gilid ng pader. Tig isa din kami ng side table at magkatabi ito sa gitna ng aming mga kama. Ang dingding sa side ko ay puno ng band posters pero dahil ang dingding sa side niya ang nakikita ko tuwing gumigising... Dinikitan ko na din ito at nilagay ko doon ang malaking poster ni Kellin Quinn at ng MCR! Arghh ganda ng bungad sa umaga!

Our room has a combination of white, gray and blacks. Nung una ayaw niyang gano'n ang theme ng kwarto. He likes Blue and Black, pero dahil ako ang unang nag kwarto dito, hindi siya pwedeng pumalag.

Kung gusto niya na siya ang masusunod, maghanap siya ng sariling kwarto.

"Hoy!" Binato ko siya ng unan. "Bumaba ka na kasi! Pati tuloy ako nadadamay, e!"

Siya kasi ang kanina pa pinapababa ni mommy dahil may iuutos yata pero dahil nag tulog-tulugan ang pangit kong kapatid, ako naman tuloy ang kinukulit.

Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha niya. "Eh uutusan lang ako para kunin yung laundry eh!" Nakasimangot niyang ani. "Pwede naman kasing mamaya..." He murmured while hugging his pillow.

Ang 5 minutes lang na sinabi ko ay naging 30 minutes. Sa sobrang antok ko kanina, naka tulog ulit ako. Kung hindi ako ginising ni Mav ay baka nagtuloy-tuloy na ang tulog ko. Bukas start na ng klase kaya ngayon ay sinusulit ko ang pag kakataon para matulog. Jeez I'll miss this long hours of sleeps.

Sabay kaming bumaba ng kapatid ko. Naabutan namin na nakaupo na sa Dining area sila Mommy at Daddy. Si Daddy sa kabisera at si Mommy naman ang nasa kanyang kaliwa. Nakahanda na ang lahat ng pagkain sa mesa pero hindi parin sila kumakain. That's our rule. Pag kumpleto kaming lahat sa bahay dapat sabay-sabay kaming kakain.

"Ang tagal niyo naman, gutom na ako." Bungad sa amin ni Dad.

"Ako din gutom na, ang tagal kasi ni Ate." Sagot ni Mav habang kami ay paupo.

Usual set up. Ako ang nasa kanang bahagi ni Daddy na katapat ni Mommy at si Mav naman ay sa aking tabi.

Nakabihis na sila samantalang kami... Ito at mukha pang sabog.

Mommy is wearing a purple Floral dress and she paired it with a Stilettos. Her jewelries is also present.

Partida mag sisimba lang 'yan.

Her long black hair is in a half pony tail. Her light make-up highlighted her flawless face, perfect brows and long lashes. Her full lips is now shaded with red. Sa kanya ko daw nakuha halos lahat ng katangian ko, from full lips, wavy black hair, long lashes and the rest. Well yeah, tama naman sila.

Si Daddy naman, he's wearing a white polo and black jeans. He's also wearing his favorite boots. Simple pero ang lakas ng dating. taray din 'di ba? Nice nice.

Never Not YouWhere stories live. Discover now