Chapter 4
Cousins
The next day we also just introduced ourselves to our professors. Mas maaga ang uwian kaysa kahapon dahil tatlo lang ang subjects namin ngayon.
Kanina habang naglalaro kaming lahat ng color game, dumating si End. Tinawag ako ng kaklase upang ipaalam na nasa labas ang pinsan ko.
"Janna, si Endrian nasa labas!" Patiling sabi ni Rose na pulang pula ang labi.
Nilingon ko ang bintana at nandoon nga siya. Kasama pa niya ang kanyang mga kaibigan. Kinuha ko muna ang barya na aking panalo bago ako tumayo. Sumandal ako sa hamba ng pintuan. Hindi tuluyang lumabas.
"Problema mo?" Bungad na tanong ko sakanya dahil hindi naman siya madalas pumupunta dito kahit na isang room lang ang pagitan namin.
"May lakad ka ba mamaya?" He asked. Umabante siya, konti nalang makakapasok na siya sa room.
Napa-isip ako. Wala pa naman kaming usapan nila Ian kung may gagawin kami mamaya so...
"Wala naman."
He nodded. "Good. Pupunta tayo kila kuya mamaya."
Pagkarinig ng sinabi niya ay hindi na ako nag dalawang isip. "Sige."
"Sabay tayo mamaya, hintayin mo ako." Ako naman ang tumango sa kanya. He pinched my nose before walking away with his friends.
I heared some groans on my back. "Janna dapat kinausap mo muna ng mas matagal si End! Bitin ang silay namin." Umikot ang mata ko. Wala kayong pag asa do'n!
Kaya ngayon nandito ako't nakaupo sa bench habang hinihintay si End. It's just 11 in the morning. Pinauna ko na sila Jorge, Ian at Haze dahil nga pupunta kami ni End sa mga pinsan namin. Nagreklamo pa sila dahil daw gagala pa sana kami ngayon. I would like to come with them, but it's been a week since my last visit to our cousins.
Maya maya lang ay dumating na ang pinsan ko at dumiretso na kami sa parking. He has his own car. Pinapayagan na kasi siyang mag drive, but he needs to be responsible and careful. That's the only thing that his parents want. Sana all.
It's an almost 2 hours drive, sa wakas ay nakarating din kami dito sa BGC. I badly wanna shake my head, the traffic's getting worst.
Bumaba kami sa basement nitong condo. We proceed to the elevator and pressed the top floor. The elevator dings. Dumiretso kami sa unit at agad itong binuksan ni End. We have our spare keys kaya nakakapunta kami dito kahit wala ang mga may-ari ng condo.
Pagpasok ay agad bumungad sa amin ang tunog ng drums na nang-gagaling sa taas.
The unit was pretty big. Malinis at hindi crowded ang pagkakaayos ng mga gamit. The unit was filled with a color brown and black. From the sofas, center table, curtains and just everything my eyes can see. Halatang puro lalaki ang nakatira.
At the right side there's a wall mural, kaming lahat ang pumili ng design na'to. It's a sillhoute of a six boys and on their middle is a girl. Standing in the center of a concert crowd. The big LCD screen on stage has a red and black guitar picture. Nasakop nito ang laki ng screen. Sa buong mural, ang gitara ang pinaka naging background namin.
We made it looked like we're looking at the guitar picture instead of the performers. Having the feels that we're making it as an inspiration. Pero ang pinaka gusto namin sa buong mural ay ang mismong anino namin. Kung titignang mabuti, each everyone of us was holding an instrument. Tatlo kami nila Billy and Anthony na may nakasukbit na gitara sa balikat. Si End at Raphael naman ay parehong drumstick, while Jashiel got a mic. Si Mav... malay ko kung ano yung hawak niya.