Chapter 19
Birthday
The time were so fast. It's my birthday today! Pinapanood ko ang mga nag-aayos nitong venue. Hindi na ako pinapasok ng magulang ko sa school. Hindi ko lang alam kung sila Ian ay absent din.
My cousins were busy at the stage. Nakakalat sila do'n at nag te-test ng electric guitar. Naka set up na ang arch ng balloons sa stage. The color motifs were rose gold and black. Ang weird ng combination pero ako ang pumili niyan at maganda naman ang kinalabasan.
Hindi pa kita ang buong disenyo ng lugar. Marami ang kumikilos kaya alam kong mabilis lang itong matatapos.
"Jannara!" Napalingon ako sa tawag ni Mom.
Lumapit siya at saka ako hinigit pabalik sa hotel room.
"I told you to just rest! Ang tigas talaga ng ulo mo." Aniya habang nasa elevator kami.
I leaned on the cold wall and scratched my nose. "Nakakainip naman kasi do'n sa taas, Mom! Walang magawa."
I just sneaked to see my cousins. Wala kasi akong kasama sa kwarto kundi yung make up artist ni Mommy na hindi ko pa naman kailangan. At may iba pang hindi ko kilala. Lumabas lang ako dahil gusto ko lang naman makita ang itsura ng hall!
"You have a lot to do! Get pampered. Kung gusto mo magpa-ayos ka na din ngayon."
"Hala siya! Sobrang aga pa para magpa-ayos."
"Then rest. Save your energy for the event later. Huwag ka munang sumama sa mga pinsan mo at baka kung anu-ano pa ang gawin niyo..."
I rolled my eyes.
"Where's Jorgia? Tawagan mo at papuntahin para may kasama ka," She said after she sent me to the room.
Pabagsak akong nahiga sa kama. I opened the television para naman hindi boring. Mom left me to make sure that everything's going fine. I texted Jorge where she is, pati na rin si Ian at Haze.
jorgiahb : At school, punta kami dyan wait lang
ianx : Hintayin lang namin mag breaktime yung college dept. Sasabay kami palabas ng gate.
Natawa ako sa sinabi ni Ian. Coming from the honor student pa talaga, ha?
heizen: Pibertday ulit lowdicakes! Dami ba foods dyan? Hahahaha
I chuckled. Ayon ang ginawa ko ng ilang oras. I replied to those who greeted me. Sa dami nila ay sa mga kaibigan ko lang ako nag reply. Actually, kagabi pa ako binati nung tatlo.
Sabay sabay pumasok ang mga kaklase namin saktong 6:30. Halos maabutan kami nila Ian sa gano'ng pwesto at kung hindi pa ako tatayo ay hindi siya bibitaw sa titig sa akin. Bumalik ako sa upuan ko at ganoon din siya. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko na hindi ko kayang tumagal ng tingin sa kanya.
Ayos lang maghintay?
He's ridiculous! Bakit siya maghihintay? That words shouldn't exist to him kasi playboy siya, 'di ba?
He's trying to strike a conversation with me the whole day even though it is obvious that I'm avoiding any interactions with him. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa inis o ibang dahilan...
"Jannara..." He called me for the nth time. Kahit na may teacher kami ay patuloy lang siya. Nililingon na tuloy kami ng iba.
"Shh!" I hushed him.