Chapter 16

24 5 0
                                    

Chapter 16


Sick



Lumabas ako ng hindi nila napapansin, tutok kasi sila sa nilalaro. Naabutan ko si Draven na nakasandal sa gilid pagkalabas ko, hawak ang cellphone at nakatingin doon. Umayos siya ng tayo nang nakita ako.


"Bakit?" Tanong ko at pumunta sa harapan niya.


"Nothing. I just want to see you. Ngayon ko lang na realized na boring pala sa condo," He chuckled.


I chuckled too. "Edi umuwi ka sa bahay niyo or papuntahin mo yung kapatid mo."


"Gusto niya nga ring pumunta kaso ayaw payagan ni mama,"


Kumunot ang noo ko, agad ding binawi at pinalitan ng pabirong tawa. "Ganoon ka siguro ka bad influence kaya gano'n. Kaya ako din hindi pinapayagan ng Mom ko na sumama sa'yo, e."


"So kilala pala ako ng Mom mo kung ganoon?" He smirked.


"Yes, she knows you Draven but as shoes."


I thought he wouldn't understand my word but it turns out he did. Tumawa siya at umiling.


"Now I starting to hate my name because of that."


"Huwag! Astig nga e,"


We talked a bit more and I keep on throwing my jokes. Nagegets naman niya at napapatawa ko siya. Our voice reign on this floor. Walang ibang dumadaan at tahimik. Nakalimutan ko na may laro nga pala kami ng mga pinsan ko dahil sa pag-uusap namin dito at nakalimutan ko din siyang yayain sa loob.


"It was really Mark who suck at gir--"


Naputol ang asaran namin tungkol kay Mark nang may marinig kaming mga yabag. Kakalabas lang nila Raphael, Anthony at Billy ng elevator.


"Oh, bakit kayo nandito sa labas?" Si Billy. Sakto namang lumabas ang tatlong kupal at ako ang unang nakita dahil nakasandal ako sa dingding sa harap ng pinto.


"Oy! Bigla kang nawala, ah!" Si Jashiel.


Hindi ko siya sinagot. Nakikipag usap naman ngayon ang mga pinsan ko kay Draven.


"Uy, dude!" Singit ni End kila Draven at nakipag fist bump. Classmate niya nga pala 'to.


Occupied na si Draven ng mga pinsan ko. Looks like they are cool with each other, maybe they got along on End's birthday. Tanda ko na sila sila ang naiwan para mag inuman hanggang madaling araw no'n. My eyes flew to Mav who is now narrowing his eyes on me. Tinabihan niya ako at sabay naming pinanood sila Draven na nag kukwentuhan.


"Kilala mo pala 'yan?" His voice suspicious.


"Oo naman," Simple kong sagot.


"Hindi ko alam 'yon, ah. Paano mo nakilala? At mukhang nag kakaigihan pa ata kayo,"


"Tss. Kaklase ko siya. Classmate dati ni End kaso nahati yung section kaya napunta sa'min."


Mabagal siyang tumango. "Eh bakit kayo nag kita dito sa labas?"


"Kapartner ko 'yan. Siya din yung kasama ko sa tagaytay," Sinabi ko na dahil lahat naman sinasabi namin sa isa't isa. At para na rin hindi siya magtaka.


"Ayon lang?" Sa nagdududang boses at tinaasan ako ng kilay.


Pinitik ko ang ilong niya at hindi na sinagot. Ilang sandali pa silang nag usap, hinihintay lang namin sila ni Maverick.


Never Not YouWhere stories live. Discover now