Chapter 11

59 5 4
                                    

Chapter 11

Perfect


Tinatapik ko ang daliri ko sa lamesa habang nakapalumbaba. Sumulyap ako kay Draven na nasa counter pa. I told him earlier that I'll pay for my order but he insisted that he'll gonna pay for it. Hinayaan ko na. Ayaw kong makipagtalo pa sa kanya.

Umayos ako ng upo nang nilapag niya ang tray sa harap. Hinintay ko siyang makaupo. He then placed my frappe in front of me.

"Thanks," I said and sipped on my drink.

He gave me a nod. "I'm glad you come with me,"

Nagkibit balikat ako. "Wala naman akong magagawa." Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"So napilitan ka lang pala?"

Tumango tango ako. "Parang gano'n na nga,"

"Ouch," Nilagay niya ang kamay sa dibdib at umarteng nasasaktan pero nandoon ang ngisi sa kanyang labi.

Napailing ako.

Nanahimik ako at gano'n din siya. Kita sa gilid ng mata ko ang paghilig niya sa mesa at pagpapalumbaba. Ramdam ko ang titig niya sa'kin. Nailang ako. Lumikot ang mata ko dahil do'n at hindi sinasadyang napatingin din sa kanya. And I'm right, he's intently looking at me with his usual sleepy eyes. I cleared my throat and looked away.

Nilibang ko nalang ang sarili sa panonood ng ibang kumakain. Medyo sumasakit na nga 'tong leeg ko sa pagtagilid. Hindi pa din kasi ako tinitigilan titigan nitong si Draven! Ilang minuto at gano'n pa din, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Will you please stop that?" Masungit na tanong ko.

Nanlaki ang mata niya at inosenteng tumingin sa'kin. "What did I do?"

Naningkit ang mata ko. "Niyaya mo ba 'ko dito para lang may tititigan ka?"

"Ano ako baliw? Hindi ka kasi nagsasalita kaya tititigan nalang kita." He placed his chin on his palm again. Continuing his stare.

"Tss, at ako pa talaga, ha? Lakas ng loob mo mag-aya tapos ganto lang ang gagawin. Wala ka bang ibang mapagtripan?"

Nakakainis. Hindi ako na inform na coffee date silent edition pala ang trip niya. Kesa mag enjoy, naboboring ako. Mas masaya pa siguro kung mag-isa lang ako. Hindi din nakakatulong na karamihan sa babaeng nandito sa loob ay pinagtitinginan siya. At mukhang hindi siya aware do'n. How oblivious.

I sipped again and almost choke remembering what I've said. Coffee date talaga? Hindi naman 'to date, Janna.

"Trip kita," Pagsagot niya sa tanong ko habang nakatingin sa mga mata ko. I can't read his expression if he is being playful or what.

I raised my brow and leaned back on the chair. "Quits lang, trip din kita."

The side of his lips rose. "Trip pala natin ang isa't isa. Don't you think na bagay tayo?" He said in a suggestive tone.

Muntik ko na 'kong mabilaukan sa sariling laway dahil sa sinabi niya. "Gago ka ba?"

"What?" Natatawang aniya.

"Tinatanong lang kita kung gago ka." Irap ko.

He laughed again. Nakaagaw ng pansin 'yon. Napailing nalang ako at uminom. Everytime you're with Draven it's really inevitable not to get the attention of everybody. I need to get used to this.

"You're--"

"Shh," Putol ko sa kanya. "Let's just finish this, para makauwi na." I waved my hand in a dismissive gesture.

Never Not YouWhere stories live. Discover now