Chapter 17
Like
Hinablot ni Jorge ang invitation na nilahad ko. Excited niya itong binasa. Binigay ko na din kay Ian at Haze ang para sa kanila. Tumingin naman ako sa mga kaklase kong nasa unahan para maghanap kung sino pa ang pwedeng pagbigyan.
"Kasali ba kami sa 18 roses?" Tanong ni Ian na nasa unahan ko. Nakapabilog kaming apat dito sa likod.
"Malay ko..." Sagot ko habang hinahanap si Daniel.
"Anong malay mo? Baka biglang kasama ako, tangina hindi pa naman ako marunong sumayaw."
"Ang OA mo, tanga. Step step lang naman 'yon at hindi hiphop!" Si Jorge. Narinig ko namang tumawa si Haze.
"Sino bang hinahanap mo, Janna?"
"Si Dan..." Sagot ko habang lumilinga.
"Ay wala, lumabas 'yon." Sabi sa akin ni Haze. "Ibibigay mo ba 'yang invitation?"
Tumango ako.
"Did you invite Mark's group, though?"
Umupo ako ng maayos saka umiling.
"Sama mo sila para solid! Tropa naman na natin sila, e."
Pag in-invite ko sila means kasama din si Draven?
Tumango ako. "Kayo nalang magsabi pati kila Daniel and... Sama niyo na din kung sinong close natin sa mga 'yan." Nginuso ko ang mga kaklase sa harap.
"Yun!" Si Jorge na agad sumigaw. "Guys! Invited kayo sa birthday ni Janna, punta kayo, ha!"
Haze chuckled. Napasapo naman ako sa noo. Kahit kailan talaga!
Nasa gitna kami ng pagkaklase sa adviser namin nang mahinto siya sa pagsasalita sa pagpasok ni Daniel na humahangos.
"Yes, Mr. Soriano?" She asked in a strict voice.
"Ma'am, you are asked to go to the Students affairs."
"Why?"
"Gaston, Chavez and Lopez was there, Ma'am."
Parang alam na agad ng Adviser namin kung bakit siya pinatawag. Mukha na siyang mawawalan ng pasensiya nang lumabas ng room. Dumiretso naman sa amin si Daniel dahil tinawag ni Ian. Ang ibang gusto makiusyoso ay hindi magawa dahil sinita ni Haze.
"They are caught smoking. Tapos sa tambayan nila mayroong ibang nakaupo. Pinaalis nila pero nagmamatigas kaya nagkasapakan." Kwento ni Daniel.
Medyo kinabahan naman ako dahil noong isang araw lang ay masama ang pakiramdam niya tapos ngayon...
"Tangina, dude! Inawat ko pa sila kasi alam kong lalaki yung gulo at may posibilidad na mahuli. At Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan sila ng counselor at guard."
"Eh, bakit ka pawis na pawis?" Si Jorge.
Daniel gave her a bored look. "Inawat ko nga sila! Muntik na nga din akong masuntok buti nalang naunahan ni Dash. At eto pa pala, alam niyo ba kung sino ang nakasuntukan ni Dash?"
"Sino?" Sabay sabay naming tanong.
"Chelsea's brother. Kaya iba din yung suntok, mukhang may galit."
Hindi ko naintidihan ang sinabi niya.
Kinuha ng Adviser namin ang oras para sa susunod na subject. Dumating siya kasama ang tatlo. Pareho silang lahat na gusot ang uniform. Nakatungo sila maliban kay Draven na mukhang hindi naapektuhan sa pangaral ng Adviser at Counselor. I noticed that there's a cut on his lower lip. May pasa din sa gilid ng mukha. Mas malala ang kay Mark at ang laging tahimik na si Justine ay may sugat din.