Chapter 10

46 11 3
                                    

Chapter 10

Coffee

Pagpasok sa loob ng unit nila Raphael ay agad kong binagsak ang katawan sa sofa. Raph's alone here. Nasa school pa panigurado ang mga kapatid niya.

"Oh, pula ng pisngi natin, ah?" Puna ni Raphael na may kasamang panunuya sa boses.

Umirap ako. "Tss, wala 'to" Sabay hawak sa aking pisngi.

What happened earlier was embarassing! Hindi ko naman kasi alam na dito din siya nakatira. He just said somewhere in BGC, malay ko ba, 'di ba? Kaya sinong hindi mamumula sa pagkapahiya. Baka sabihin pa niyang ang feelingera ko.

Noong nakapasok siya ay nanatili muna ako sa kinatatayuan. Ayaw kong sumunod agad dahil alam kong makakasabay ko siya sa elevator. Ilang minuto ang lumipas nang mapagpasyahan kong tumuloy na. Nakaakyat na 'yon for sure.

Malayo palang ay natanaw ko na ang nakabukas na elevator. Dali dali akong tumakbo para maabutan 'yon. Muntik nang mag abot ang dalawang pintuan pero hinarang ko ang aking kamay. Bumuntong hininga ako. Nahinto ako sa tuluyang pagpasok. My jaw dropped. Ilang minuto na ang nakalipas ah? Draven is in front of me! He's standing lazily with his smirk.

"Took you so long," He said languidly.

Tahimik akong tumabi sa kanya at binalewala ang sinabi. Tinuon ko ang tingin sa numerong nasa taas nang humarap siya sa'kin. Tanaw ko pa din ang ngisi niya.

"Bakit ang tagal mo?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit niya tinatanong? And why it feels like he waited for me?

"Need to answer some call," Palusot ko.

"Hmm.. Dito ka din ba bukas?"

"Ewan, dipende," Kibit-balikat ko.

He nodded. Umayos siya ng tayo. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n. I'm tapping my fingers to the metal wall of this elevator. Bakit ang tagal naman yatang makarating sa floor ko?

Pansin ko na tuloy tuloy ang pagdaan ng numero sa taas. Hindi siya lumalabas sa mga nadaanang floor. Don't tell me..

The elevator dings. Lumabas ako at sumunod siya. Kunot ang noo ako nang tumingin sa kanya. Dito din ang floor niya... nakakabaliw naman 'to! Parang napaka imposible naman.

He raised his brow. "I'm not following you. Your cousins were my neighbor." He smirked again.

Nanginig ang kilay ko. "I didn't ask." I smiled sweetly at him to hide my embarassment. I didn't say that he's following me. So what the hell?

Tinalikuran ko nalang siya at mabilis na pumasok dito sa condo nila Raphael.

"Tulungan mo 'ko," Si Raphael na may tinitipa sa laptop niya.

"Ah. Kaya mo 'ko pinapunta dito dahil lang magpapatulong ka?"

Pairap siyang tumingin sa'kin. "Hindi," He stood up and went beside me. "Usog ka nga!"

Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko. Inangat ko ang aking paa sa lamesa sa harapan.

"Ano ba 'yan?" Sumulyap ako sa screen.

He placed his laptop on my lap. "Pili ka kung anong maganda."

Ngumiwi ako nang makita 'yon. Akala ko naman kung ano na dahil magpapatulong pa siya. Tapos ito lang pala?

"For whom?"

"Friend. Kaya pumili ka na. Yung pinaka gusto mo dyan,"

"Bakit ako pa tinatanong mo? This is so girly, do you think I'll like any of this?" Irap ko.

Never Not YouWhere stories live. Discover now