Chapter 20

33 2 0
                                    

Chapter 20


No Escape



Masaya ang naging buong gabi. Hindi kami pwedeng sa hall ng hotel mag-inuman kaya ipinagpatuloy namin sa hotel room nila Anthony. At syempre ang kaibigan kong nalaman na half spanish ang mga pinsan ko ay buong gabing kinikilig kay Anthony.


"Hindi kayo bagay. Mas matanda siya sayo." Ani Haze sa parang bulate na si Jorge.


Kinulong ni Jorge ng palad niya ang kanyang pisngi. "Ugh! Edi maganda, matured..." She sensually said the last word.


Piningot naman ni Haze ang ilong niya. "Anong maganda ka dyan? Tigilan mo 'yang kakaganyan mo. Anthony will surely cringe if he get to know that you like him."


"Eh kasi naman Haze ligawan mo na si Jorge para sa'yo gumaganyan," Pagsingit ko sa usapan nila.


"Isa ka pa..." Aniya sabay kamot sa ulo.


"Bagal kasi, e..." Parinig ko kay Haze.


Tinampal naman ni Jorge ang hita ko para patahimikin.


"Dude, ang bagal mo daw oh!" Si Haze kay Draven.


Dinungaw ako ni Draven ng nakangisi.


"Nasa sa'yo naman 'yon. Bibilis tayo kung sasagutin mo na 'ko,"


Ngumiwi ako sa kanya. "Huwag ka ngang chismoso! Kami lang nag-uusap dito, e. Epal..." Bulong ko.


Ngumisi siya lalo. "Galit ka na naman..."


"Lumayo ka kasi sa'kin."


Inirapan ko siya. Sa dami ba naman kasi ng pwedeng upuan ay pinili pa niyang dito sa tabi ko. At hindi lang kami basta magkatabi ha, magkadikit pa talaga! Apat kaming naka-upo dito sa sofa ni Haze, Jorge at Draven kaya masikip!


Paano ba din naman kasi, tinutukso kami ng mga kasama namin at mukhang gustong gusto pa niya.


We took many pictures. Nag karaoke din sila Mark na sintunado naman hanggang madaling araw.


Natapos kami ng mga alas tres. Umuwi sila kahit na niyaya sila nila Mav na dito nalang matulog dahil madaling araw na, pero may kailangan pa daw silang gawin bukas kaya kailangan nilang umuwi.


Bagsak kaming lahat hanggang tanghali. Tinatamad pa akong bumangon dahil na din medyo masakit pa yung paa ko. Tangina ilang oras akong nakatayo suot ang heels at ang tanging nasa isip ko lang noon ay ang kagustuhang mag paa nalang.


I was on the bed the whole day. Bumangon lang ako nang nagyaya sila Mav na magswimming. We just took a short dip. Malamig kasi ang tubig kaya napabalik nalang kami sa kwarto tutal ay uuwi na rin kami mamaya at kailangang ayusin ang mga gamit.


Kinabukasan ay late akong nagising. Nandito kami sa bahay nila Tita Isabelle, gusto kasi ng matatanda na sila naman ang magbonding. Well then, they will have their time to bond coz we have a concert to attend!


Naistorbo ako sa pagbabasa ng libro nang tumawag si Ian.


"Why?" Tamad kong sagot sa cellphone.


"Is your offer still up?"


"Uhm..." Binuksan ko ang drawer sa gilid ng table at tinignan do'n ang mga tickets.


"Ba't sasama ka na ba? Sakto may isa pang VIP dito..."


"Isa nalang?"


Kumunot ang noo ko. "Oo, eh. Bakit? Isang VIP tsaka tatlong gen ad nalang yung nandito, pag sumama yung dalawa sa gen ad na sila."


Never Not YouWhere stories live. Discover now