Prologue
"Jannaaa!" Dinig kong tawag ng kaibigan ko na si Jorge.
Nakaupo ako ngayon dito sa bench sa gilid ng quadrangle. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses sabay sa paglagay ng aking kanang kamay sa ibabaw ng aking mga mata, mataas ang sikat ng araw kaya hindi ko siya masyadong maaninag.
"Kanina pa kita hinahanap," Ani jorge na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.
"Ba't?" Walang ganang sagot ko.
"Wala lang! Ano palang ginagawa mo dito? Nag hahanap ng pogi?" Natatawang tanong niya.
"Tss. Gaya mo ko sayo." Tugon ko sabay irap.
Natawa na lamang siya sa'kin.
Makalipas ang ilang minuto may bigla nalang umupo na dalawang lalaki sa aming tabi, kahit hindi ko na lingunin ay alam ko na agad kung sino iyon base sa mga pamilyar nila na amoy. Paano ba naman kase? Kung mag lagay sila ng pabango sa sarili nila, parang wala nang bukas!"Oh ano, tara na?" Si Ian na marahang binangga ang balikat ko gamit ang kanya.
"Guys let's go, Miss Santos is our next prof. Sobrang aga dumating parang ayaw na tayo pakainin." Natatawang sabi Haze.
"Pero nakakain na ba kayo?"
Tumango ng sabay ang dalawa sakin.
We only have 30 minutes break. Since our last professor left our classroom sooo early, Jorge and I use that time to eat our lunch while these two busy theirselves playing mobile games. So when the bell rang indicating it is our breaktime, we parted ways. The two boys went to the canteen, Jorge to her former classmate to borrow I dont know, maybe... scientific calculator? While I went here...
"We still have 15 minutes guys, dito muna tayo" I said.
"Okay ma'am!" Sabay na sagot nilang tatlo na nag-pangisi sa 'kin.
Sa harap namin ay ang malawak na quadrangle ng Arellano University. Sa gitna noon ay nakatayo ang flag pole at sa harap nito ay may rebulto na hati ang katawan. Habang sa kaliwang gilid ay andoon naman ang stage. Sa bilang parte ng quadrangle ay may nag tatayugang mga puno at ang iba'y malilit na halaman na nag dudulot ng sariwang hangin.
Sa kanang parte naman ay makikita ang gynasium na katabi lang din ng aming building at sa likod ng building namin ay doon naman makikita ang building ng juniors. Dito sa likod ng mga bench na inuupuan namin, nandito naman ang College building. Sakto lang ang laki ng school namin kumpara sa ibang universities na malaki.