Chapter 1
Wonder
It's 8 o'clock in the fucking morning and here I am at the lobby of the main building to pay for my tuition.
Isang buwan mula ngayon ay pasukan na ulit namin. Ang bilis ng panahon... parang kahapon lang ay kakaumpisa pa lamang ng klase pero ngayon heto at Grade 12 na kami.
Alas syiete pa lang ng umaga ay pumunta na agad ako dito para sana mauna sa pila ngunit pag dating ko ay ang haba na agad ng pila!
I'm sitting lazily in one of the monoblocks arranged here in front of the cashier and also waiting for my homies. Kanina ko pa sila chinat at tinanong kung nasaan na sila at ang sagot lamang sa akin ay "Otw na." Pero as usual Filipino time at its finest, isang oras na akong naghihintay sakanila.
Napalingon ako sa babae na umupo sa isa sa tatlong bakanteng upuan sa gilid ko.
"Uh, Miss may nakaupo na dyan." Turo ko sa kanyang inupuan.
Sumulyap ang babae sa akin at ibinaling ulit ang kanyang paningin sa harap na parang walang narinig.
"Bingi amp." Bulong ko sa sarili.
Nireserve ko ng upuan ang tatlong siraulo para sana tabi tabi kami at mag kakasunod sa pila. Kanina, pag may umuupo sa mga bakanteng upuan sa'king tabi ay lagi kong sinasabi na may nakaupo na. Napapagod na din ako magsalita ng magsalita kaya ang babae ngayon ay hinayaan ko nalang at ang unfair din naman siguro kung may sisingit sa pila.
Bahala na silang tatlo!
"Jannara Valkyrie De Silva" Anunsyo ng teller sa cashier sa aking pangalan na naka speaker pa.
Tumayo ako at agad na lumapit. Ibinigay ko ang papel na may student information ko at ang pera. Matapos mag type ng kung anu-ano ng teller sa kanyang computer ay ibinigay niya na sa'kin ang payment receipt. Tinanggap ko ito at naglalakad papunta sa bukana ng lobby.
My phone vibrated while I'm holding it with the receipt using my right hand.
Jorgia : I'm here at the gate naaa
Jannara : Faster please, tapos na ako magbayad
"Pipila na ako, hintayin mo kami." Si Ian na biglang nag salita sa aking likod. Nandito na pala siya!
"Where's Haze? Akala ko ba sabay kayong pupunta dito?"
Nagkibit balikat siya. "Magkasama sila ni Jorge eh."
Mabagal akong tumango "Hmm okay... Nandyan na daw siya sa gate ah?"
"Speaking of... Ayan na sila oh!" Turo ni Ian sa likod ko.
"Wooh iniiiittt!" Reklamo ni Jorge sabay punas sa kanyang noo gamit ang panyo.