Chapter 3
I Love You
Pagpasok ay agad na bumungad sa amin ang iba't ibang kulay ng ilaw at ingay ng paligid. Everyone seems enjoying the night.
"Asan sila?" Tanong ni Jorge habang tinatanaw ang mga tables.
"There." Itinuro ko ang couch sa gilid kung nasaan sila Ian at naglakad kami papunta roon.
Nakaupo na ang dalawa ng dumating kami. May mga alak na din agad na nakalatag sa lamesa. Pa U ang couch namin at ang laki nito para sa aming apat. Diretso akong umupo sa tabi ni Ian habang si Jorge naman ay kumuha agad ng shot at inistraight ito bago siya umupo sa tabi ko. Kumuha muli siya at naka tatlong shot agad!
"Hoy babae! Easyhan mo lang uminom. Hindi ka namin ihahatid mamaya." Si Haze na napansin din ang sunod-sunod na inom ni Jorge.
"Utot mo Haze! Ihatid mo 'ko." Umirap siya.
Inabot sakin ni Ian ang basong may black label. Kinuha ko iyon at agad na ininom. Maya maya niya akong inaabutan nito. While drinking, I watched the crowd. I can see many familiar faces, yung iba schoolmate pa namin.
"Haze! Come on let's dance." The girl in red dress. Lumapit ito sa amin kasama ang mga kaibigan niyang babae para yayain sila Haze. As far as I know schoolmate namin itong mga 'to.
Tumingin si Haze kay Ian na parang niyayaya niya rin ito. Nag taasan lang ng kilay ang dalawa at mukhang nagkaintindihan dahil sabay silang tumayo at sumama sa mga babae papuntang dance floor. Bago sila tuluyang mawala sa paningin ko, nakita ko pang gumapang ang braso ni Haze sa beywang nung babaeng nakapula.
I smirked. Landi.
"Tignan mo 'tong si Haze ang harot harot tss." Reklamo ng katabi ko.
"Wag kang mag alala maharot ka din naman." I chuckled.
"Uy hindi ah... medyo lang!" She flipped her hair. "Pero sige sabihin na nating maharot ako, pero si Haze? Nako mas lalo 'yon!"
Natawa ako sa sinabi niya. I turned to her side to see her funny reaction. Her dagger eyes were directed at Haze. I can't believe her.
"Will you just calm down Jorgia? Huwag ka magselos don, mas maganda ka." Sa akin naman sumama ang tingin niya.
"Shh... Ano ba naman Janna! Hindi ako nagseselos." I doubt that. Her actions saying otherwise.
Matagal na siyang may gusto kay Haze, Since our first day of grade 11. Nung una itinatanggi niya ang pagkakagusto kay Haze pero kalaunan ay bumigay na din. Nakalimutan ko na kung paano niya inamin 'yon at nalaman ng buong klase.
Lagi namin silang tinutukso sa isa't isa pero si Haze hindi man lang naaapektuhan. I really like them to be together kahit na kaibigan ko sila. Ang cute kasi nila tignan at bagay talaga. Kalaunan nang naging magkakaibigan na kaming apat, sinabi ni Jorge na nawala na yung feelings niya kay Haze at purong pagkakaibigan nalang daw talaga ang nararamdaman niya.
Si Ian naniwala sa sinabi niya, pero ako? It's a big no... everytime they're so close, I witnessed her blushed, minsan nga ay nauutal pa. That's why sometimes I'm making a way to make them "more than friends" inaasar ko sila not to trip but to make my ship sail. I love them both and I'd die to see them inlove together. But of course, I wouldn't say this if I didn't feel something...
Bumalik ang dalawa at si Jorge naman ang wala. Niyaya niya ako kanina na pumunta sa dance floor kaso wala akong ganang sumayaw ngayon kaya mag-isa siya doon.