Chapter 21

38 2 0
                                        

Chapter 21

Jealous

"When it comes to love, nothing should stop you..." Ayan ang huling salitang binitawan ni Jorge bago kami lumabas ng kwarto.

Love. I shook my head when I heard that word. This ain't love. This is just another headache. Sa kulit ba naman ni Draven, talagang sumasakit ang ulo ko.

Habang nasa sasakyan kami patungo sa unang tourist spot ay hindi mawala sa utak ko ang tanong ni Jorge.

What's stopping you?

She's right. What's stopping me? Bakit nga ba sa t'wing papakitaan ako ni Draven na gusto niya ako ay lagi kong binabalewala? Ang sabi niya ay alam niya ang rason kung bakit ko siya iniiwasan. He thought that I'm avoiding him because of his reputation being a playboy because that is what I always throwing to him. But he's wrong. Because the truth is it was me who had a problem here at wala sa kanya.

Truthfully saying, I am scared. Scared to invest myself to someone who isn't feeling the same way or just playing around. I don't want to waste my time for something that is short-lived. I'm scared to fall and then suddenly will be left. Katulad noong mga dati kong relasyon na hindi tumagal. Oo alam ko na dapat ay hindi asahan na tatagal ang ganoong relasyon lalo na't bata pa. Pero ako, I always wanted it serious.

Kaya nang nag failed lahat 'yon dahil sila ang unang umaalis ay nawalan ako ng gana. I feel like they will just show their affection only at first and then when you finally got attached, they will leave you. Kaya mula noon, maliban sa nawalan ako ng gana ay natakot na din ako. Wala naman sigurong masama roon. Siguro ay ligtas nalang sabihin ngayon na iniingatan ko lang ang puso ko.

Kaya ngayon na nagpapahayag si Draven ng interest ay nagdadalawang isip ako. What if subukan ko pero mawala lang din? What if this is just another waste of time? What if I'll get use to him and he'll leave just like others? Ngayon palang ay ayoko na kung ganoon. Habang maaga ay iiwasan ko na siya.

"Eh, gaga! Ang lakas mong mang-asar na overthinker at tamang hinala ako pero ikaw din naman pala ganoon." Jorge said after she heard my reasons.

"Ginagaya mo naman kasi 'to sa past mo, iba 'yon at iba itong ngayon. Akala ko ba risk taker ka? You want adventure and adrenaline? Then take this risk! Love is an adventure. We'll experience any kinds of emotions. Kaya kung takot ka, wala kang mapupuntahan..." Sunod-sunod niyang sinabi.

Hindi ko akalain na manggagaling 'yon kay Jorge na laging baliw. If she talks like this meaning she is serious. Pinag-isipan kong mabuti ang lahat. Paano ko nga naman talaga malalaman kung hindi ko susubukan, 'di ba? At hindi naman ibig sabihin na dapat kong sagutin si Draven dahil nanliligaw siya. Nanliligaw siya, so that means he should be also open for rejection.

Tiningnan ko si Draven na ngayon ay katabi ko dito sa gitnang upuan ng van. He also looked at me. Tumaas ang kilay niya na parang nagtatanong. I shook my head and smiled a little before returning my eyes outside.

Okay, I'll let myself this time, I'll take away my inhibitions. Hindi ko na siya pipigilan at hindi na rin iiwasan. Kung hindi ko susubukan ay hindi ko malalaman kaya bahala na...

Our first spot is the sunken cemetery, sunod ang nature park. Nagsisi pa ako na boots ang sinuot ko dahil white sand pala dito at nagbabangka pa kami! Nauunang maglakad si Jorge na sinusundan ni Haze. Magkasama naman si Justine, Mark at Ian na may sariling trip sa gilid ng dagat.

"Picture muna kayo!" Sigaw ni Jorge at saka pumwesto sa harap namin ni Draven at tinapat ang camera niya.

Nagkatinginan kami ni Draven. Tipid akong tumango sa kanya para sabihing okay lang. He then removed his shades and moved closer to me. He positioned himself a bit behind me.

Never Not YouWhere stories live. Discover now